in

Mula sa China ang mga migranteng milyunaryo

Ang mga noo’y kuripot  ay gustong mamuhay ngayon sa ibang bansa para sa pag-aaral ng mga anak at makatakas sa polusyon. Sa US boom ng mga request para sa “immigration investment”

altRoma – Pebrero 23, 2012 – Mula sa mga maletang karton sa Louis Vitton bags.

Ang Tsina ay handang harapin ang espesyal na migrasyon na hinahangad ng maraming bansa. Ang mga bida ay mga nabobs na nangangarap na manirahan sa ibang bansa hindi upang madagdagan ang kanilang kayamanan ngunit magarantiya ang isang mahusay na edukasyon para sa kanilang mga anak, malanghap ang mas malinis na hangin, at ipagpatuloy ang negosyo sa isang mas malinis na ekonomiya.

Sa China mayroong humigit-kumulang na isang milyon na mga milyonaryo at 300 mga  billionaires. Isang pag-aaral ang naitala noong nakaraang Nobyembre ay nagpapakita na ang 60% ng 960,000 mga Intsik ang may asset na lumalampas sa 10 milyong yuan ($ 1.6 milyon) ang gustong dumayo sa ibang bansa o naghahanda na ng kanilang mga bagahe. Paborito nila ang Estados Unidos,  sinusundan ng Canada, Singapore at Europa.

Isang trend sa US ay makikita sa isang boom sa mga aplikasyon sa “immigration investment .” Mayroong hanggang 10,000 mga entry visa bawat taon para sa mga namumuhunan sa US at lumilikha ng hindi bababa sa 10 trabaho. Noong 2011, ang mga aplikasyon mula sa China ay tatlong libo (78% ng kabuuan), kumpara sa walong daan noong  nakakaraang dalawang taon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ban ng Filipino au pairs inalis sa Europa

Citizenship, isang layunin at hindi awtomatiko