in

Multa at Pagkakabilanggo, parusa sa sinumang hindi susunod sa Batas

Multa mula € 400 hanggang € 3,000 sa sinumang hindi susunod sa batas anti-Covid19. Nanganganib hanggang 5 taon ng pagkakakulong naman ang mga positibo sa virus na lalabag sa obligatory quarantine.

Ang bagong decreto legge na pinirmahan ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Giuseppe Conte ay naglalaman ng mga urgent measures sa pagharap sa krisis pangkalusugan. 

Ang decreto legge, upang maiwasan at labanan ang higit na panganib ng pagkalat ng virus, ay ipatutupad sa ilang bahagi o sa buong bansa, sa panahong hindi lalampas sa 30 araw, maaaring maulit o mabago ng ilang beses hanggang sa matapos ang itinakdang State of Emergency ng bansa sa Hulyo 31, 2020 na itinalaga noong Janyuary 31 ng Konseho ng mga Ministro. 

Samakatwid, isang fake news ang unang kumalat na balita na ang bansa ay sasailalim sa quarantine hanggang July 31, 2020. Ang petsang nabanggit ay tumutukoy sa pagtatapos ng itinakdang 6 na buwan na State fo Emergency ng bansa na nagsimula noong Enero 31, 2020. 

Sa ilalim ng bagong dekreto, ang sinumang nasa ilalim ng obligatory quarantine dahil positibo sa virus at lumabas pa rin ng sariling tahana ay maaaring makulong mula 1 hanggang 5 taon.

Samantala, multa naman mula € 400 hanggang €3,000 ang sinumang hindi susunod sa batas anti-Covid 19. 

Bawat mamamayan ay kailangang sundin at gawin ang angkop na hakbang upang makatulong sa kasalukuyuang emerhensya at sa lalong madaling panahon ay matapos ito at muli ay makabangon tayo ng sama-sama. Kung lahat ay susunod sa mga batas, hindi lamang ang sarili at pamilya ang iniingatan bagkus ang buong komunidad, at ang buong bansa ay makakabangon mula sa emerhensyang ito”. Giuseppe Conte

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Barcelona, nakapailalim din sa Lockdown

7 sa 15 Pinoy health workers sa isang Private Clinic sa Roma, positibo sa Covid19