in

Multa mula 25 hanggang 500 euros sa sinumang gagamit ng paputok ngayong Bagong taon sa Roma

Tinatayang aabot sa 1000 comuni o munisipalidad, kabilang ang mga pangunahing lungsod sa bansa ang magpapatupad ng ordinansa na nagbabawal ng anumang uri ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon. Sa Roma multa mula 25 hanggang 500 euros. 

 

Roma, Disyembre 28, 2016- Binatikos si Major Virginia Raggi matapos maglabas ng ordinansa sa kapital ukol sa pagbabawal ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon. 

Sa kabila nito ang ordinansa ay ipatutupad rin sa maraming comune (o munisipalidad) sa bansa.

Partikular, sa Roma ay ipinagbabawal ang anumang uri ng paputok mula hatinggabi ng Disyembre 29 at magtatapos sa hatinggabi ng Jan 1, 2017. Ang sinumang lalabag ay mamumultahan mula 25 hanggang 500 euros. 

Layunin ng ordinansa ang  iwasang madagdagan ang polusyong hatid ng mga paputok at kwitis bukod pa sa mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan at mga hayop. 

Wala na ring traditional concert sa Circo Massimo sa Roma na karaniwang ginaganap tuwing Dec 31. Ayon kay Major Raggi ay umatras umano ang mga sponsors ng nasabing konsyerto kung kaya’t isang pagdiriwang naman ang inihanda para sa mga mamamayan ang gaganapin sa unang pagkakataon sa mga tulay ‘ponti’ sa Lungotevere na magtatagal mula 18 hanggang 24 na oras. 

Samantala, tinatayang aabot sa 1000 comuni o munisipalidad sa buong bansa ang magpapatupad ng nabanggit na ordinansa. 

Kung kaya’t ipinapayo ang alamin sa pamamagitan ng opisyal na website ng comune ang pagpapatupad sa ordinansa at anumang limitasyong isinasaad nito. 

Gayunpaman, kung walang limitasyong nabanggit, ipinapaalala na sundin ang mga tagubilin ng awtoridad ukol sa pagbili ng anumang uri ng paputok na may markang CE sa mga authorized shops. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ika-8 taon ng OFW Month Celebration at Paskong-Pinoy: masaya at makulay na idinaos sa Firenze

Ordinansa ni Raggi sa pagbabawal ng paputok, pinawalang-bisa ng TAR