in

Multa sa mga over50s na lumabag sa mandatory Covid vaccination, inihahanda na! 

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Lampas na sa 600,000 ang mga nai-report na hindi sumunod sa mandatory Covid vaccination ng mga over50s matapos ang paglalathala nito sa Official Gazette. 

Matapos ang paglalathala sa Official Gazette ng DPCM noong March 4, nagpapadala na ang Ministry of Health sa Agenzia dell’Entrate ng mga codice fiscale o tax code ng mga over50s na hindi sumunod sa mandatory Covid vaccination, kasama ang mga dayuhang residente sa bansa na over50s.

Ayon sa source mula sa ministry, nagpapadala umano ito ng 100,000 codici fiscali kada araw at lampas na sa 600,000 ang mga naiulat na lumabag. Gayunpaman, ang Agenzia dell’Entrate ay gagawa pa din ng mga kinakailangang pagsusuri bago magpadala ng multa sa mga over50s na nagkakahalaga ng € 100,00.

Basahin din:

Ayon sa Collection Agency ng Entrate, ang ADER (Agenzia dell’Entrate-Riscossione), batay sa listahang natanggap mula sa Ministry of Health, ay sinimulan na ang paggawa ng komunikasyon ukol sa multa. At pagkatapos lamang ng final approval ng Ministry magpapatuloy ang Ader sa pagpi-print ng angkop na dokumentasyon para ipadala sa mga lumabag. 

Kaugnay nito, dahil sa mga kinakailangang pagsusuri, ang multa ay maaaring dumating makalipas pa ang June 15, ang petsa kung kailan magtatapos ang magdatory vaccination. At tiyak na lalampas sa petsang March 31, sa pagtatapos ng State of Emergency. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Super Green Pass, tatanggalin sa outdoors simula April 1

Transmissibility index (Rt), naitala ang bahagyang pagtaas