in

Mutya ng Pilipinas Italy 2012, isang tagumpay

Bukod sa dalawang korona bilang Mutya ng Pilipinas Italy 2012 at Miss Charity , nag-uwi sa Roma si Fatima Santos ng iba pang labing-isang tropeyo mula sa Empoli. 

alt

Pinatunayang muli ng Filipino European Association ONLUS sa Empoli ang galing nito sa pag-oorganisa ng paligsahan sa ganda at talino ng mga babaing Pinoy sa Italya na sinuportahan ng Bantay Bata 163.  

Sa Palazzo delle Esposizione – Piazza  Guido Guerra, nagtagisan ang labing-isang Pinay na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng Italya noong ika-25 ng Marso taong kasaluyan. Hindi maikakaila ang husay ng bawat isang kandidata at pinatunayan nila ito sa may halos higit isang libong manonood at mga hurado na sina Eric Chua ng ABS-CBN, Albert Yalung ng Filinvest, Pia Gonzalez ng Ako Ay Pilipino at konsehal ng XVI° Municipality sa Roma, Jocelyn Ruiz – correspondent ng TFC at Analiza Bueno Magsino – CSI della Provincia di Roma at President ng Associazione Stranieri Lavoratori in Italia (ASLI).

Ang labing-anim na kandidata na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng Italya  ay sina Erica Mariz Ladylhei Curlyn Lim Achapero, 15, Ancona, Ericka Mariz Marqueses Abello, 14, Empoli, Jasmin Aquino Reyes, 20, Bilella, Sabina de Mesa Fernando, 14, Firenze, Jherica Tantay Valenzuela, 18, Livorno, Ma. Camille Ann Miranda Cabaltera, 13, Montecatini, Angelica Silvana Camiling Garcia, 14, Pescara, Kimberly Doria Cariaga ,17, Roma, Fatima Grace Adriano Santos, 15, Roma, Abby Valerie Veloro Ofiana, 18, Torino, at Selina Bagnol Federico, 15, Viareggio. Dahil sa kanilang husay at talino tumanggap ang  bawat kandidata ay nakatanggap ng tropeo. 

Napanatiling exciting at masaya ang paligsahang naganap dahil sa napakagaling na presentasyon na ipinakita ng dalawang makikisig at gwapong host na sina Justine Galfana at Raffzen Paul Pinon.

Nagwagi sa paligasahang ito at tinanghal na Mutya ng Pilipinas at Miss Charity si Fatima Grace Adriano Santos. Tinanghal rin siyang Miss Ramp Model, Best in Talent, Best in Winter Attire, Miss Congeniality, Darling of the Crowd, Miss Elegance, Best in gown, Best gown. Tumanggap rin siya ng Special award bilang Miss ASEA at Miss Western Union Company at Miss Guardians Int’l Federation in Tuscany. 

alt

Si Abby Valerie Ofiana ng Torino ang tinanghal na 1st Runner up, 2nd runner up – Sabina Fernando ng Firenze, 3rd runner up – Sherica Tantay Valenzuela – Livorno, 4th runner up – Selina Federico, Viareggio.   

Hindi matatawaran ang mahusay na pamumuno ni Dennis A. Reyes, presidente ng FEA Empoli. Pinatunayan nito ang magandang samahan ng mga opisyal at miyembro na nagkakaisa sa layuning makalikom ng sapat na halaga upang makatulong sa mga batang nangangailangan ng kalinga at pinansyal na tulong sa pamamagitan ng Bantay Bata 163.

Nagpasalamat sa grupo ng FEA si Tina Monzon Palma ng Bantay Bata 163 sa mensaheng kaniyang sinabi sa isang video clip. Napakalaking tulong daw ito sa foundation ng ABS-CBN upang patuloy nilang isagawa ang pagsagip sa mga anak ng mga Pilipino sa Pilipinas na kapos sa salapi. Anim na taon na ang tulong na ibinibigay ng FEA sa Bantay Bata 163.

Samantala sa mensahe ni Marie Ann Umali, Bb. Pilipinas World 2009, humingi ito ng paumanhin sa hindi niya pagdating ng araw na ito sapagkat may kasabay na official engagements siya sa ibang bansa. Bumati ito sa lahat ng mga kandidata at hinikayat na ituloy ang hangaring makatulong sa iba.      

“Nagpapalasamat ang FEA sa lahat ng mga magulang at kandidata na lumahok sa Mutya ng Pilipinas Italy 2012, sa lahat ng mga bisitang pandangal, hurado na nanggaling pa sa malayong lugar, sa mga sponsors at higit sa lahat  sa iba’t ibang leaders hindi lamang sa Toscana kundi mula pa sa ibang lugar”, ang masayang banggit ni Pres. Dennis A. Reyes. May matutulungan na namang mga bata sa Pilipinas ang FEA dahil na rin sa tulong at ng taong sumuporta sa okasyong ito lalo’t higit sa major sponsor, ang Western Union Company at LBC sapagkat ang bahagi ng proceeds dito ay mapupunta sa Bantay Bata 163, dagdag pa ni Dennis Reyes. 

Lubos rin ang pasasalamat ng FEA kay Paolo Dara ng Professional Video sa Empoli sapagkat kusang loob itong nagbigay ng serbisyo ng araw ng paligsahan sapagkat ito ay live na napanood sa www.indirettaweb.it at ipalalabas rin ito sa TV Toscana sa mga darating na araw at mapaponood ito sa araw ng Biyernes.

Sa edad na 14, haharapin ni Fatima Santos ang responsabilidad ng pagiging Mutya ng Pilipinas 2012. “Masaya po ang pakiramdam ko ngayon as a winner kasi may magandang resulta ang paghihirap namin ni Mamma sa contest na ito. I’m so blessed dahil si God po ang nag-gabay sa akin during the event. Alay ko sa Kanya ang aking tagumpay at sa mga taong sumuporta sa pagsali ko sa pageant. Dahil titleholder na po ako ngayon, nagkaroon ako ng malaking responsabilidad kasi kailangan ko na maging good example para sa mga Pinay teenagers dito sa Italya.”, ang wika ni Fatima.

“Nawala lahat ang pagod at paghihirap ko sa loob ng mahigit isang buwan ng paglalakad ng mga tickets”, dagdag ng ina ni Fatima na si Lina Santos, at sinabi naman ni Rod Santos, ang ama ng Mutya ng Pilipinas 2012, “Masayang masaya ako sa pagkapanalo ng aming anak na si Fatima at gusto ko rin pasalamatan ang mga organizers, judges at mga sumuporta na nanggaling pa sa Roma at lahat ng manonood. Pride namin na magkaroon ng anak na Mutya ng Pilipinas Italy 2012 sa Italya”.

alt

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Know your rights seminar, inilunsad para sa mga OFW sa Milan

Mutya ng Pilipinas Italy 2012 Winners