Dalawang Egyptians dinakip. Nagbebenta ng mga pekeng dokumento sa halagang € 200 sa mga Italyano at sa mga dayuhan.
Milan – Ang mga Opisyal ng komisaryo ng Milan ay inaresto ang dalawang Egyptian, 50 at 22 taong gulang, para sa pag-aari at paggawa ng mga pekeng dokumento.
Natuklasan ng mga pulis na ang dalawa, mag-ama ay nagbebenta ng mga pekeng dokumento sa mga Italyano at mga dayuhan sa halagang mula 100 hanggang 200 euro sa Via San Dionigi – Milan. Ayon sa mga report, inaresto ang dalawa habang sakay ng isang Fiat Punto at natagpuan ang tatlong pekeng identity cards (carta d’identità) dala-dala ng mga ito.
Maraming pekeng mga dokumento ang nakumpiska ng mga pulis saginawang raid sa kanilang tirahan, kabilang dito ang 14 na pekeng car insurance, 1 pekeng permit to stay, 98 plastics na may microchip na ginagamit sa mga permit to stay card, 22 plastics para sa mga driver’s license, I timbre ng Questura di Milano – Ufficio Immigrazione, 1 timbro ng Comune di Milano, 2 timbro ng Egyptian Embassy sa Milan, iba’t-ibang mga papel, at isang printer at 1480 € cash.