Tulad ng Pfizer, Moderna at Johnson & Johnson, inirerekomenda ng health authorities ang parehong panahon ng booster dose para sa mga binakunahan ng dalawang dosis ng AstraZeneca: anim na buwan makalipas ang ikalawang dosis (o single dose) ng bakuna kontra Covid19.
Ayon sa mga pinakahuling scientific proofs, ang antas ng mga antibodies ay nagsisimulang bumaba pagkatapos ng 180 days mula sa ikalawang dosis, na posibleng maging sanhi ng pagtaas ng impeksyon. Dahil dito, ninais ng Italya ang magpatuloy sa pagbabakuna ng booster dose. Noong una ay inilaan lamang ito sa mga over 80s at mga immunocompromised, mahina ang immune system at mga health operators at staffs. Pagkatapos ay idinagdag ang mga over60s, ang mga binakunahan ng single dose ng J&J. Sinunod ang mga binakunahan ng non-EMA vaccines sa ibang bansa. At kahapon nga ay inanunsyo na rin ang pagpapalawig ng booster dose sa mga may edad 40 hanggang 60.
Ang third dose pagkatapos ng 6 na buwan ay kinakailangan din sa mga binakunahan ng AstraZeneca upang palakasin ang immune response laban sa Covid, dahilan kung bakit ito tinawag na “booster”.
Matatandaang matapos ibigay sa lahat ng edad, ang AstraZeneca ay binigyang pahintulot na lamang ang pagbabakuna sa Italya, partikular sa mga over60s na walang pathology at may mas mahabang panahon ng paghihintay para sa pangalawang dosis (12 linggo pagkatapos ng unang dosis). Samakatwid, ang 6- buwan na panahon para sa ikatlong dosis para sa karamihan ng mga binakunahan ng AstraZeneca ay sa pagitan ng mga buwang Disyembre 2021 at Enero 2022.
Nagpabakuna ng AstraZeneca, ano ang bakunang gagamitin sa third dose?
Ang mga binakunahan ng dalawang dosis ng AstraZeneca, ay sasailalim sa tinatawag na “heterologous vaccination” sa ikatlong anti-Covid dose. Ibig sabihin ay tuturukan ng booster dose mula sa ibang pharmaceutical company.
Sa katunayan, sa Italya, lahat ng mga booster dose, kahit ang mga binakunahan ng AstraZeneca, ay bibigyan ng bakunang mRna: Pfizer o Moderna. Ito ay ayon sa dalawang circulars ng Ministry of Health.
Validity ng Green pass matapos ang booster dose
Sa loob ng 24 na oras matapos bakunahan ng booster dose ay magkakaroon ng update sa Green pass. Ang validity nito ay palalawigin ng karagdagang 12 buwan o isang taon.
Basahin din:
- Booster dose para sa edad 40-60, sisimulan sa December 2021 sa Italya
- Green pass, ibibigay sa mga nagpabakuna sa ibang bansa at ang booster dose sa Italya
- Booster dose sa mga binakunahan ng J&J, pinahintulutan ng AIFA
- Sino ang bibigyan ng booster dose sa Italya?