in

Nais mo ba ng pagbabago sa kasalukuyang batas sa Italian Citizenship? Makiisa! Pirmahan ang Referenfum!

Makiisa! Ngayon na ang panahon para magkaroon ng bagong batas sa Citizenship na kikilala sa katotohanang ang Italya ay nagbago na. Panahon na para yakapin at kilalanin ang lahat ng mga bagong Italians!

Naglunsad ng mahalagang panawagan ang mga asosasyon na kumakatawan sa mga bagong henerasyon ng mga Italians. Ito ay ang suportahan ang referendum tungkol sa Italian Citizenship na may layuning paikliin ang panahon para makamit ang Italian citizenship mula 10 taon pababa sa 5 taon. Ito ay upang maitulad ang pamantayan sa iba pang malalaking bansa sa Europa.

Ang simpleng pagbabagong ito ay magiging isang mahalagang tagumpay para sa buhay ng maraming may foreign origins sa Italya (na tinatayang humigit-kumulang 2,500,000 katao) na hindi lamang ipinanganak at lumaki sa bansang ito, kundi matagal nang naninirahan, nagtatrabaho, at tumutulong sa pag-unlad ng bansa.

Ang inisyatiba, na isinusulong ng iba’t ibang organisasyon tulad ng CoNNGI (ang unyon ng mga kabataan na may migratory background at iba pa) at ang kilusang Italiani senza cittadinanza, ay naghihikayat sa civil society at mga political parties na magkaisa sa pangongolekta ng 500,000 pirma bago sumapit ang September 30.

Ayon sa mga organizers, ang referendum ay hindi kapalit ng kasalukuyag talakayan sa parlyamento, ngunit isang mahalagang panimula para sa isang mas patas at inklusibong Italya.

Ano ang pagkakaiba ng Referemdum sa Ius Soli at Ius Scholae?

Ang Ius Soli ay para lamang sa mga ipinanganak sa Italya (humigit-kumulang 500,000 katao bawat taon), habang ang Ius Scholae ay para naman sa mga nakatapos ng limang taon ng pag-aaral (humigit-kumulang 135,000 katao bawat taon). Ang Referemdum naman ay para sa mga taong regular na naninirahan sa Italya nang hindi bababa sa 5 taon at kanilang mga menor de edad na anak (humigit-kumulang 2.5 milyong katao).

Basahin din: Italian Citizenship, ano ang nasasaad sa Batas sa Italya? Ius Sanguinis, Ius Soli at Ius Scholae, ano ang pagkakaiba?

Magbabago ba ang ibang requirements sa aplikasyon ng Italian Citizenship?

Hindi. Ang pagbibigay ng Italian Citizenship ay mananatiling hindi awtomatiko: bukod sa tuloy-tuloy na paninirahan sa Italya (na inirerekomenda ng Referendum na ibaba sa 5 taon), mananatili ang iba pang mga requirements na itinakda ng kasalukuyang batas tulad ng: kaalaman sa wikang Italyano, pagkakaroon ng sapat na income, angkop na pforpessional qualifications, pagsunod sa obligasyon ng pagbabayad ng buwis, at kawalan ng mga police record.

Samantala, magiging mas madali ang pagkakataong makibahagi sa mga study programs abroad, maging kinatawan ng Italya sa mga sports competition nang walang limitasyon, makakaboto, at makakasali sa mga public sector jobs (concorsi pubblici). Mga karapatang kasalukuyang ipinagkakait sa kanila.

Ngayon na ang panahon para magkaroon ng bagong batas sa Italian Citizenship sa Italya! Makiisa! Pumirma sa Referendum!

Para sa inyong pirma, www.referendumcittadinanza.it.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

67 anyos? Narito ang Tulong Pinansyal mula sa Gobyerno ng Italya

ALSE OF-LIFE Program: Gabay ng mga Bagong Bayani sa Pag-unlad, Paglilingkod at Tagumpay