in

NANANATILING MARAMING HIWAGA ANG PAGKAMATAY NG KONDESA

Hindi sapat ang pagtatapat ni Winston ng kanyang kasalanan. Maraming saksi ang tatawagin upang makatulong na masagot ang maraming hiwaga sa imbestigasyon.

altRoma – Ang pagtatapat ni Winston Manuel ay hindi sapat upang makumbinsi ang lahat ng mga investigators. Ang mga ito ay naniniwala na ang Pilipino ay nagsasabi ng katotohanan, ngunit sa kanyang mga kuwento ay maaaring lumitaw ang karagdagang detalye. Kaya nagtakda muli ng mga paglilitis sa linggong ito.

Nananatili ang mga pangunahing katanungan tulad ng mga alahas. Noong araw ng pagpaslang sa kondesa, Hulyo 10 ’91, sa silid ng Alberica Filo della Torre ay nawala ang isang singsing na ginto na may isang brilyante na nagkakahalaga ng £ 80,000,000, isang gintong kuwintas at isang pares ng hikaw. Ayon kay Manuel ay hindi nya ito ninakaw, ngunit nasaan ang mga ito?

Isa pang motibo ng mga paglilitis. Ayon kay Manuel ay bumalik ito sa villa Olgiata upang muli ay magtrabaho ? O ang pagdalaw na ito ay may kinalaman sa salapi na ipinahiram sa kanya?

Sa madaling salita, ang dinamika ng krimen: maraming isinagot sa Manuel na “Hindi ko matandaan,” ngunit ang mga investigators ay kailangang buuin muli ang mga detalye upang maunawaan kung paano, sa isang uri ng pakikipanayam, ang Pilipino ay humantong sa pagpaslang sa biktima. Habang ang Risa ay tinatapos ang DNA test sa telang may bakas ng dugo gayun din ang iba pang mga kagamitan, maraming saksi ang tinawagan upang ilarawan ang relasyon sa pagitan ng kondesa at ng Pilipino. Ayon kay Pietro Mattei, noong nakaraang Huwebes sa mga pag-uusig, madalas na si Manuel ay lasing, patuloy ang paghingi ng bale at hindi pagganap sa mga tungkulin nito.

Ang depositions na gaganapin sa mga araw na ito ay maaaring makatulong sa pagpapaliwanag sa maraming hiwaga ng imbestigasyon. Kahapon ang mga abogadong sina Mattia La Marra, Flaminia Caldani at Andrea Guidi ay bumalik upang makahanap Manuel sa Regina Coeli. Paulit-ulit ang mga ang mga katana ng Pilipino “Mas magaan nà ang pakiramdam ko. Ang bawat araw na ititigil ko dito sa bilangguan – sabi ni Manuel sa mga abogado – ay upang pagbayaran ko ang aking ginawa at para sa sakit na idinulot ko sa maraming tao”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Master DANILO AQUINO HUERTAS – bumisita sa Italya

TEMPORARY PERMIT TO STAY: Pansamantalang solusyon sa mga Tunisians sa Lampedusa.