Ang dating boksingero na Ukrainian ay may sakit na schizophrenia. 5 taong pagpapagamot sa Psychiatric hospital.
Si Oleg Fedchenko ay walang sala, samakatuwid, ay absuweltado. Kahit na noong Agosto 2010 ay napatay ang isang 41 taong gulang na Filipina sa bugbog dahil lamang sa nakasalubong ng dating boksingero ang Filipina sa kalye.
Ang hukom na si Roberta Nunnari ay nagbigay ng 5 taong pagpapagamot sa psychiatric hospital. Dahil lumabas sa judicial examination, sa araw ng krimen, ang Ucranian ay walang tamang pag-iisip dahil sa karamdamang schizophrenia.
Sa araw ng krimen si Fedchenko ay depressed dahil sa pagkabigo sa pag-ibig, at pagkalabas sa bahay ng kanyang ina, ay napili si Emlou Arvesu, 41 taong gulang na Filipina, ang unang babae na nakita sa kalye ng salarin. Kahahatid lamang sa anak na lalaki sa bahay ng kanyang kapatid na babae, at habang papunta sa bahay ng employe ay nakita siya sa Viale Abruzzi, Milano. Mabilis na inihagis ang babae sa window ng isang bangko at doon ay sinaktan at pinagbubugbog hanggang sa mamatay.
Agad namang kinilala at inaresto sa salang pagpatay ang Ukrainian.
Sa mga resulta ng judicial examination ay nasasaad na absuweltado sa kakulangan ng kriminal na responsibilidad sa babaing napatay, at kasabay nito ang kahilingan ng tagausig na ipagamot sa psychiatric hospital (kahit na ang tagausig ay huminigi ng15 taong pagkakabilanggo ng lalaki).
Ang dating boksingero ay absuweltado din ng pagtangkang pagnanakaw at ang hatol na 9 na buwan para sa possession of firearms.
Mapait ang mga pahayag ng abogado ng pamilya, asawa, at tatlong anak at ang kapatid na babae: “Mahirap matanggap ng pamilya ang hatol. Babasahin namin ang mga dahilan at pag-aaralan kung ano ang maaari naming gawin, “sabi ni Fabio Belloni, ang abogado ng asawa at tatlong anak ng domestic worker.
Wala kahit isang sentimos ang mapupunta sa pamilya ng biktima. Ang Lombardi Region ay hindi nirenew ang anticrime insurance na hinihingi ng EU at dahil dito ay walang matatanggap ang pamilya ng biktima.