Ang limang kinatatakutang variants ay nakarating na sa Italya lahat. Epsilon ang pinakabagong coronavirus disease variant.
Mayroong mga variants ang tinatawag na VOI o variants of interest. Lima nito ang kinatatakutan at matatagpuan sa humigit kumulang na 10 bansa. Ang pinakabago ay ang Epsilon, na ayon sa isang artikulo na nailathala sa Science magazine sinasabing dapat ay isama sa VOC o variants of concern.
Sa kasalukuyan, ang WHO at ang Centers for Disease Control and Prevention ay isinama sa grupo ng VOC ang Alfa, Beta, Gamma at Delta variants. Samantala, ang Epsilon (kasama ang Theta at Kappa) ay parehong kasama sa VOI.
Narito ang mga katangian ng 5 kinatatakutang mga variants:
- ALFA (B.1.1.7). Ito ay unang nakita sa Great Britain noong Oktubre 2020, namabilis na kumalat sa buong mundo. Ito ang pumalit sa nakaraang bersyon ng SarsCoV2 virus. Kung ikukumpara sa huling nabanggit, ay higit sa 50% itong nakakahawa, bukod pa sa nakaka-reinfect. Sa kasalukuyan, ito ang pinakakalat sa buong mundo. Ayon sa Gisaid, sa huling 4 nalinggo, ang pagkalat ng kilala sa dating tawag na UK variant ay 53.5%.
- BETA (B.1.351). Ito ay unang nakita sa South Africa. Kahit ang variant na ito ay pinaniniwalaang higit na nakakahawa ng 50% kumpara sa orihinal na virus partikular sa mga kabataan, at nakaka-reinfect. Ayon sa Gisaid, walang naitalang Beta variant sa huling 4 na linggo sa Italya.
- GAMMA (P.1). Ito ay unang nakita sa simula ng 2021 sa Japan at pagkatapos sa Brazil. Ayon sa data ng Gisaid, sa huling 4 na linggo ang pagkalat nito sa Italya ay 7.3%.
- DELTA (B.1.617.2). Nadiskubre ang unang Delta coronavirus variant sa India noong nakaraang Disyembre at ngayon ay isa sa kinatatakutan dahil sa pinakamatinding strain ng coronavirus na umiikot ngayon sa buong mundo. Ang Delta variant ay may pambihirang katangian, ang pagkakaroon ng double mutant, ang E484Q at ang L425R. At dahil sa pambihirang katanigan nito ay higit na mabilis at malakas ang transmissibility nito. Batay sa pag-aaral, ito ang pinaka-transmissible variant sa kasalukuyan dahil umaabot sa 40 hanggang 60% itong nakakahawa kumpara sa Alpha (U.K./B.1.1.7) variant, na sumalanta ng ilang ulit sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa panahon ng pandemya. Ang Delta ay kumalat na sa halos 102 bansa at ang naturang strain ay naghasik ng ilang wave ng mga kaso ng COVID-19 sa maraming bansa na unang nanalansa sa India.
Delta PLUS
Dahil sa tindi ng epekto ng Delta ay kinakitaan na naman ito ng bagong mutation na tinawag namang ‘Delta Plus’ na ngayon ay nagbibigay ng malaking pangamba sa mga eksperto sa buong mundo.
Sa pinakahuling ulat ng health department ng UK, ang Delta variant ang responsable sa napakaraming bagong kaso ngunit nakitang halos 40 sa mga bagong kasong ito ay natukoy na ‘Delta Plus’.
Kaugnay nito, nangamba ang maraming COVID expert at WHO hinggil sa Delta Plus variant na posibleng mangibabaw umano sa buong mundo at magkaroon ng matinding outbreak sa mga lugar na hindi pa natuturukan ng bakuna ang mga tao.
5. EPSILON (B.1.427). Ito ay nadiskubre sa California. Hindi pa kalat sa Europa at may dalawang kaso lamang na naitala sa Italya ayon sa Gisaid. Ayon sa isang pag-aaral na inilathala ng Science, sinasabing ang variant na ito ay may 3 mutations na lumalaban sa antibodies.
Basahin din:
- Delta variant, kalat na rin ba sa Italya?
- Pfizer, hindi epektibo laban sa Delta variant
- Babala ng WHO: Europe, nanganganib magkaroon ng fourth wave!
- Delta variant, kinatatakutan ang mabilis na pagkalat sa Europa ngayong Summer