Sa Italya ay mayroong limang paraan kung paano magkaroon ng Green Pass.
1. Sa website ng www.dgc.gov.it
Sa pamamagitan ng SPID o Carta d’Identità elettronica o sa pamamagitan ng tessera sanitaria + AUTHCODE na natanggap sa pamamagitan ng SMS o email sa numero o e-mail address na ibinigay sa unang dose.
Ang nagpadala ng SMS o email upang makuha ang Green Pass ay ang Ministry of Health. Ang nilalaman ay: «Certificazione verde Covid-19 di **** disponibile. Usa AUTHCODE ************ e Tessera sanitaria su www.dgc.gov.it o App Immuni o attendi notifica su App IO“. Ang AuthCode ay kailangan upang makuha ang sertipiko. Upang mai-download ito ay kailangan ang numero ng tessera sanitaria at ang expiration date nito. Maaari ring gamitin ang SPID.
2. Fascicolo Sanitario Elettronico sa website ng Rehiyon kung saan residente
Ang access dito ay sa pamamagitan ng paraang pinili ng Rehiyon.
Sa website ng www.dgc.gov.it ay matataguan din ang lahat ng link ng mga Rehiyon
3. App IMMUNI
Sa bahaging “EU digital certificate” gamit ang tessera sanitaria. Ang QR Code ay maaaring i-save bilang image o picture.
4. App IO
Makakatanggap ng notification ukol sa pagtanggap ng Green Pass sa cellular phone. Ang QR Code ay maaaring i-save bilang image o picture.
5. Medico di base/Pediatrician/Pharmacist
Ipakita lamang ang tessera sanitaria. Ang sertipiko na mayroong QR Code ay ibibigay na printed sa isang papel.
Ang Green Pass ay ang digital certificate na balido sa Europa na nagpapatunay na naka-kumpleto na ng mga doses ng bakuna kontra Covid19, na balido ng 9 na buwan o 270 days. Ito ay maaaring negative result ng Covid 19 test (Molecular o Rapid), na balido ng 48 oras mula sa oras ng test. Ito ay maaari ring patunay ngpaggaling sa Covid19, na balido naman ng 180 days o anim na buwan.
Pinag-aaralan sa kasalukuyan sa Italya ang pagbibigay ng higit na gamit sa Green pass sa pagpunta sa mga restaurants, bar at public transportation tulad sa France. (PGA)