in

Narito ang buod ng inaprubahang dekreto upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19

Ang banta ng covid-19 sa bansa ay nagdulot ng partikular na hakbang at pinirmahan ni Prime Minister Giuseppe Conte ang isang decree ‘Misure per il contrasto e il contenimento sull’intero territorio nazionale del diffondersi del vius COVID-19’ na sinasabing pansamantalang nagtatanggal sa social life sa Italya hanggang sa mga susunod na linggo. 

Habang ang bilang ng mga positibo sa virus ay mababa pa ay kakayanin ng National Health Service ang pagbibigay ng epektibong serbisyo sa mga nahawa ngunit sa pagkakataong ito ay mabilis na tumaas, walang bansa ang kakayaning harapin ang ganitong uri ng emerhensya”.

Ipinaliwanag ng premier sa isang video message na kahit nais ng gobyerno na dagdagan at palakasin ng 50% ang intensive care at ng 100% naman ang sub intensive care ay hindi ito kakayanin sa napaka-ikling panahon lamang. Samakatwid ang pangunahing layunin ngayon ay ang pigilan ang pagkalat ng virus sa mga paraang nasasad sa decreto: 

  1. Kanselado ang lahat ng mga congress, convention, meeting, social event kung saan hinihingi ang presensya ng mga healthcare personel o sinuman na nasa essential public service tulad ng civil protection. 
  2. Pagsasara ng mga paaralan sa buong bansa sa lahat ng antas, mula March 5 – 15. Bukod dito ay kanselado rin ang lahat ng mga field trips, campings, tours sa lahat ng antas sa lahat ng mga paaralan. Nananatiling isang option sa kasalukuyan ang posibilidad ng distance learning. Ang pagliban ng mga mag-aaral na nauugnay sa emerhensya ng covid-19 ay hindi ikukunsidera sa final grading. 
  3. Kanselado ang lahat ng uri ng event, tulad ng mga concert kabilang din ang mga sinehan at mga theaters, pribado man o publiko, na karaniwang may malaking publiko na hindi makakasunod sa isang metrong security distance. 
  4. Kanselado rin ang lahat ng uri ng sports competition, pribado man o publiko.
  5. Patuloy na ipinagbabawal ang pagpunta sa mga Emergency sa mga ospital. Ang mga escorts ng pasyente ay pinagbabawalang maghintay sa waiting room maliban na lamang sa mga mayroong pahintulot. Ang mga kamag-anak sa visiting hrs sa mga ospital ay limitado.
  6. Hangga’t maaari ay ipatupad ang smart working ng mga tanggapan. Ito ay ang posibilidad ng paggamit ng technology na kahit wala sa opisina ay nagagawa pa rin ang trabaho ng mga empleyado.
  7. Ang mga senior citizen na may karamdaman at mahina ang immune system ay inaanyayahang huwag lumabas ng bahay o kung kinakailangan mang lumabas, ay huwag magtungo sa mga mataong lugar at palaging panatilihin ang 1 metrong distansya. 
  8. Ang pagpapalaganap ng mga asosasyon pati na rin sa mga shopping malls, ng mahahalagang impormasyon ukol sa prebensyon at kalinisan para sa seguridad ng lahat.
  9. Lahat ng publikong tanggapan ay kailangan ang pagkakaroon ng sanitizers.
  10. Kahit ang mga pubic transportation ay kailangang sumailalim sa mga extraordinary disinfection. 

Napapaloob din sa decree ang isang vademecum ukol sa kalinisan: 

  • Madalas na hugasan ang kamay. Paglalagay ng sanitizers sa lahat ng lugar tulad ng public places, gym, supermarket, pharmacies at iba pa,
  • Iwasang lumapit sa mga taong may respiratory infection,
  • Iwasan ang akap o halik bilang paraan ng pagbati. Iwasan din ang pakikipag-kamay,
  • Panatilihin ang 1 metrong distansya sa mga kausap,
  • Paggamit ng tissue sa pagbahin at/o pag-ubo at itapon ito agad,
  • Paggamit ng baso at ng ibang gamit ng ibang tao,
  • Iwasang hawakan ang mata, ilong at bibig gamit ang kamay,
  • Ugaliin ang paggamit ng disinfectant,
  • Gumamit lamang ng maskara kung nakakaramdam ng sintomas. (ni: PGA)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga paaralan sa buong bansa, kumpirmadong suspendido mula bukas hanggang March 15

Mga Ofw sa Italya, nanganganib ba ang trabaho dahil sa covid-19?