in

Narito kung paano ilalagay ang mga datos sa F24

regolarizzazione2020

Bago isumite ang aplikasyon ng Regularization 2020, ay kailangan munang bayaran ang “F24 Versamenti con elementi identificativi”, sa bangko, post offices o home banking. Narito kung paano ilalagay ang mga datos sa form F24.

Ang datore di lavoro o employer na nais gawan ng employment contract ang irregular job ng kanyang worker (art. 103, talata 1, D.L. n. 34/2020) ay kailangang magbayad ng € 500 para sa worker, gamit ang isang form, ang F24. 

Sa “Contribuente” ay ilalagay ang pangalan at codice fiscale ng employer

Sa “Erario ed altro” 

Sa “tipo”, isulat ang letrang R

Sa “elementi identificativi”, ilagay ang codice fiscale ng worker o kung wala, ay ang passport number o anumang balidong travel document. Kung mayroong higit sa 17digits, ilagay lamang ang unang 17 digits). 

Sa “codice tributi”, ay ilagay ang codice REDT

Sa “anno di riferimento”, ay isulat ang 2020

Sa “importi a debito versati”, ilagay ang € 500,00 

Ang mga mamamayang dayuhan na nais mag-apaly ng permesso di soggiorno temporaneo (art. 103, talata 2, D.L. n. 34/2020) ay kailangang magbayad muna ng € 130,00, gamit ang F24.    

Sa “Contribuente” ay ilalagay ang pangalan at codice fiscale ng worker

Sa “Erario ed altro”

Sa “tipo”, ay ilagay ang letrang R

Sa “codice tributo”, ay ilagay ang codiceRECT

Sa “anno di riferimento”, ay isulat ang 2020

Sa “importi a debito versati”, ilagay ang € 130.00

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

festa della repubblica

Frecce Tricolori, sa okasyon ng Araw ng Republika ng Italya

fase-3

Fase 3, sinimulan na sa Italya