in

NASPI, pinalawig ng decreto Sostegni

Naspi Ako Ay Pilipino
NASPI, pinalawig ng decreto Sostegni

Pinalawig ng decreto Sostegni, ang inaprubahang dekreto sa ilalim ni Mario Draghi na nagbibigay ng ayuda sa mga sektor na higit na apektado ng krisis, ang Naspi, ang benepisyong ibinibigay sa mga nawalan ng trabaho. Sa sinumang natapos na ang pagtanggap sa unemployment benefit ay kikilalanin ang ilang buwang REM o Reditto di Emergenza

Ang pagpapalawig ng NASPI, tulad ng DIS-COLL, ay nasasaad sa decreto Sostegni, sa ibang pamamaraang nikalala ng marami hanggang 2021.

Bukod dito, ay mababago din ang mga requirements sa pagtanggap ng Naspi hanggang December 31, 2021. 

Naspi, tatlong buwan ng Reddito di Emergenza

Nasasaad sa artikulo 12 talata 2 ang tatlong buwan ng reddito di emergenza – anumang ang salary at asset requirement na kinakailangan sa pagtanggap ng REM at ang halaga ay para lamang sa isang miyembro ng pamilya – ay ibibigay sa sinumang nagtapos ang Naspi at Dis-coll sa pagitan ng July 1, 2020 hanggang February 28, 2021.

Ang extended Naspi ay magiging tatlong buwan ng REM na nagkakahalaga ng € 400, at may kabuuang halaga na € 1200,00

Upang matanggap ang 3 buwan na REM, ay kailangan ang balidong ISEE – ordinario o corrente – na hindi lalampas sa € 30,000.

Bukod sa mga nabanggit, upang matanggap ang extended Naspi ay kailangan na:

  • walang Contratto di lavoro subordinato 
  • walang Rapporto di collaborazione coordinata e continuativa
  • walang Pensione diretta o indiretta. 

Ang REM, kahit ang extended Naspi, ay hindi matatanggap kung tumatanggap na ng Cassa Integrazione at Reddito di Cittadinanza. Ngunit maaaring matanggap, kahit pa tumatanggap na ng assegno di invalidità. 

Sa mga nais makatanggap ng extended Naspi o REM, ay kailangang magsumite ng aplikasyon at mga requirements nito sa Inps hanggang April 30, 2021. Gayunpaman, para sa karagdagang detalye kung paano mag-aaplay ay kailangang hintayin ang indikasyong magmumula sa Inps

Bagong requirement ng NASPI 2021

Ang decreto sostegni ay nagbibigay din ng mga bagong requirement ng Naspi 2021 sa mga mag-aaplay nito.

Partikular, ang pagbabago ay ipatutupad hanggang December 31, 2021. Sa mga bagong aplikasyon ng NASPI, ang requirement na 30 araw na aktwal na ipinagtrabaho sa 12 buwan bago ang aplikasyon ay hindi muna ipatutupad. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian citizenship ng mga ipinanganak sa Italya, narito kung paano

Pinay sa Roma at Pinoy sa Parma, parehong arestado dahil sa shabu