Sapilitang prostitusyon at panlilimos, tila aliping nagta-trabaho kapalit ang maliit na halaga. Sila ang mga biktima ng human trafficking. Tama, kahit sa Italya. At ngayon ang Italya ay nagsusumikap upang masagip ang mga biktimang ito.
Roma, Marso 3, 2016 – Inaprubahan ng Council of Ministries noong nakaraang Biyernes ang unang “National Action Plan against and slavery and exploitation”. Dito ay tinutukoy ang multi-year strategy plan upang maiwasan at malabanan ang temang hindi ganap na maabot ng mga pagsusuri at samakatwid kahit ng istatistika. Sa action plan ay nasasaad din ang mga aksyon tulad ng awareness campaign, social prevention, social integration at ang mga pamamaraan upang kusang lumantad ng mga biktima.
Ang action plan, paliwanag ng gobyerno, ay “isang paghahanda sa pagkakaroon ng bago at nag-iisang programa ng pagtulong at social integration, ang kaukulang pondo at pagpapatupad dito”. Ito ay nasasaad sa pagsasabatas ng legislative decree March 4, 2014, bilang 24, ng European directive.
Lahat ng ito ay dahil sa akusasyon ng GRETA, isang kinatawan ng European Council, sa Italya ng kawalan ng kaukulang pansin sa mga biktima ng slavery at ang hindi sapat na pag-uusig sa mga gumagawa nito. Ayon sa mga datos, mataas ang bilang ng mga kababaihan at mga menor de edad na biktima ng sekswal na pang-aabuso, sinundan naman ng illegal hiring sa agrikultura, pang-aabuso sa karapatan sa domestic jobs at racket ng panlilimos.
Bukod pa dito – ayon sa ulat ng Greta- ay nakakalusot umano ang mga gumagawa ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso: libu-libo ang mga nakasampang kaso ngunit ilang daan lamang ang nahahatulan, dahil hindi sapat ang mga batas at kulang ang kooperasyon mula sa mga non-European countries.
Ang Italya, sa pagtatapos ng ulat, ay kailangang “mabilis na magtibay ng national action plan na magtatakda ng mga prayoridad, layunin, kongkreto at responsableng aksyon para sa pagpapatupad ng mga ito.”
Sa kasalukuyan, inaasahang ang Italya ay nasa tama ng direksyon.