in

Numero ng mga gumaling sa Covid19, mas mataas kaysa sa bilang ng mga bagong bilang ng nag-positibo sa huling 24 oras

Patuloy ang pagtaas sa bilang ng mga gumaling sa Covid19 sa bansa. Ayon sa Protezione Civile, 3,033 ang mga gumaling sa huling 24 na oras at ito ay mas mataas kaysa sa bilang ng mga bagong nagpositibo sa virus. 

Sa unang pagkakataon, ang mga datos ay partikular na nagbibigay ng pag-asa dahil ang bilang ng mga gumaling at lumabas ng ospital ay mas mataas kaysa sa bilang ng mga bagong kaso ng covid19”, ayon kay Angelo Borrelli, ang head ng Protezione Civile.

Narito ang bilang ng mga gumaling sa mga huling araw: 

2,200 – April 18,
2,128 – April 19,
1,822 – April 20,
2,723 – April 21,
2,943 – April 22

Bahagyang tumaas naman mula 437 kahapon sa 464 ang bilang ng mga namatay sa huling 24 na oras, sa kabuuang 25,549

Bumaba rin ang bilang ng mga bagong nag-positibo sa virus, 2,646, mas mababa ng 724 kumpara kahapon, April 22. Sa bilang na nabanggit ay 1,073 ang naitala sa Lombardy region lamang.

May kabuuang bilang na 106,848– kung saan 2,267 ang mga nasa ICU (mas mababa ng 117 kumpara sa datos kahapon). (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ACFIL sa Torino, isang huwarang asosasyon para sa patuloy na adbokasiya ng Bayanihan sa Italya

Ika-75 anibersaryo ng Liberation Day in Italya, ginugunita sa Italya