Ikaw sana ay tangayin
Ng malakas na hangin
Liparin sa kawalan
Sa ubod ng kalawakan.
Ikaw sana ay malunod
Sa asul na karagatan
Sa lawak at lalim nito
At buhay mo’y mapugto.
Kainin ka sana ng bulkan
Maipit sa galit at bitak.
Kumukulong putik lamunin
At tuluyan ng tupukin.
Lusubin ka nawa ng balang
Kuyugin ng kanilang kawan.
Dalhin sa hubad na disyerto
Tunawin sa lagablab nito.
Sa dami ng ‘yong pinatay
Sa tindi ng iyong pinsala.
Kaya mundo’y umaasa
Ikaw agad ay masawata.
Ikaw ba’y ‘san nangaling
O sinadya na likhain?
Anak man sa labas ni SARS
Di ka naman binu-bully!
Bago ka tuloy na lumisan
Sana iyo akong pagbigyan
Pwede mo bang kuhanin.
Yaong budhi ay maitim.
Ibarra Banaag