“Hindi ito ang panahon upang maglaro”
Roma, Pebrero 15, 2012 – “Sa panahong tulad nito, hindi mahalaga ang partesipasyon ngunit ang manatiling nakatayo, ang maisaayos at masaiba ang kaban ng bayan na nagmula sa mga sakripisyo at huwag hamunin ang tadhana. Para sa mga laro at mga pustahan, marahil ay darating ang tamang panahon”.
Isang masusing pag-aaral para sa nakaraang dalawampung taon ang tila isang makabuluhang halaga para sa Olympics 2020 ang ginawa ni Monti. Bilang resulta, isang unanimous decision mula sa konseho ng mga ministro ang magtatapos sa nomination ng lungsod ng Roma bilang host country sa darating na Olympics 2020.
“Hindi ako sang-ayon sa mga naging katwiran ni Monti: Hayaan ang isang panalong nominasyon, na suportado ng isang proyekto na mayroong mahusay na teknikal at pang-ekonomiyang pamamaraan ay hindi nangangahulugan na ipupusta ang kinabukasan ng bansa”. Ganito ang naging pahayag ng alkalde ng Roma, Gianni Alemanno, na nagsabing hindi magbibitiw. “Pinasasalamatan ko ang buong lungsod maging ang mga partido at business sector na sumuporta sa naging nominasyon”.
Tanggal ang lungsod ng Roma, ang pagtatalaga ng magiging host country ng Olympics 2020 (gaganapin sa Septyembre 2013) ay nananatili sa pagitan ng Tokyo at Madrid, at ang outsider Istanbul. Samantala, walang namang pag-asa ang Doha (Qatar) at Baku (Azerbaijan).