in

Omicron, kinatatakutan. Karagdagang paghihigpit, pinag-aaralan sa Italya.

ako-ay-pilipino

Patuloy sa muling pagdami ang mga kaso ng Covid19 at mabilis ang pagkalat ng Omicron, mas mabilis kaysa sa Delta, ayon sa mga unang datos. Bukod dito ay dumadami ulit ang mga nao-ospital, pati ang mga biktima ng Covid. 

Kami ay nababahala! Patuloy ang banta ng fourth wave at hindi dapat maging kampante bagkus ay dagdagan ang pag-iingat”, anunsyo ni Health Minister Roberto Speranza.

Kaugnay nito, pinag-aaralan ng gobyerno ang karagdagang paghihigpit: 

  • pagbabalik ng mask sa outdoor;
  • pagiging mandatory ng bakuna kontra Covid sa ilang sektor;
  • mandatory Covidtest sa mga events kahit na bakunado;
  • babawasan ang panahon ng validity ng Green pass. 

Ito ay ilan lamang sa mga pinag-aaralang paghihigpit na tatalakayin sa Dec 23 sa meeting ni Premier Draghi kasama ang cabina di regia. Kaugnay sa petsang nabanggit, nagbabala naman ai Alessandro Vespignani, ang direktor ng Network Science Institute sa Northeastern University sa Boston, na marahil ang petsang December 23 ay huli na. Ang Italya aniya ay may pinakamagandang sitwasyon sa kasalukuyan sa Europa at hindi dapat itong ipagwalang bahala.  

Gayunpaman, ang mga magiging huling datos ukol sa banta ng Omicron sa bansa ang magbibigay direksyon sa mga panibagong preventive measures. Sa kasalukuyan, ang tanging nasasabi lamang ng mga eksperto ay higit itong nakakahawa tulad ng nagaganap sa UK, sa USA at sa Europa. At sa Italya ang bagong strain ay tumaas mula 0.5% hanggang 1.1% sa loob lamang ng limang araw, ayon sa international database na Gisaid. 

Gayunpaman, tila walang karagdagang paghihigpit sa mga public transportation. Ang pagkakaroon umano ng green pass sa pagsakay sa mga public transportation ay isa nang mabigat na obligasyon sa ngayon ayon sa gobyerno ni Draghi. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Flussi 2021, aabot sa 81,000 ang quota

Lazio, mandatory ulit ang pagsusuot ng mask sa outdoor