in

Omicron variant, posibleng hudyat ng pagtatapos ng pandemya sa Europa

Matagal pa bago magtapos ang pandemya hatid ng Covid-19. Posibleng makahawa ang Omicron variant hanggang 60% ng populasyon sa Europa hanggang Marso. Bagaman masyadong maaga pa para maging panatag ang lahat, makalipas ang dalawang taon, marahil ay isang bagong yugto ang magbibigay ng pag-asa. Posibleng ang Omicron variant ay hudyat ng simula ng pagtatapos sa pandemya. Ito ay ayon kay WHO Europe director Hans Henri Kluge, sa isang interview kahapon.

Bukod dito, sinabi din ni Kluge na umaasa siya na magtatapos na ang yugto ng emerhensiya sa taong 2022 at mapag-ukulan din ng pansin ang iba pang mga banta sa kalusugan. Partikular ang mga nabinbin at naantalang lunas sa ibang karamdaman na sanhi ng emerhensya ay sinuspinde sa buong rehiyon.

Ang pandemya, tulad ng mga nauna, ay magwawakas din, ngunit masyadong maaga pa para mapanatag. Mawawala at magbabalik ang mga variants at maii-infect ang milyun-milyong katao sa buong mundo sa mga darating pang linggo, kasabay ang pagbaba ng immunity ng mga tao. Ngunit sa matinding pagsubaybay at pag-iingat sa mga bagong variant na ito, ang malawakang kampanya ng third dose, ang access at abot-kayang antiviral medicines at ang paggamit ng mga de-kalidad na face mask at pagsunod sa physical distancing, kung may lalabas muling isang bagong variant at kung may bagong wave ulit ay maaaring hindi na mangailangan ng mga mabibigat na restriksyon o lockdown para sa buong populasyon”. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

NO vax sa Italya, aabot ng 7 milyong katao

Abruzzo, Friuli Venezia Giulia, Piemonte at Sicilia, sa zona arancione