Sa Rehiyon ng Campania unang ginawa ang Open day ng pagbabakuna, sa Caserta. Ito ay inilunsad na rin sa Sicilia para sa mga over-50s. At sa Lazio naman ay nakatakda ngayong weekend ang Open day para naman sa mga over-40s. Inaasahan ang pakikiisa sa inisyatiba ng iba pang mga Rehiyon sa mga susunod na araw.
Open Day, ano ito?
Ang Open Day ay ang mga araw na inilalalan sa pagbabakuna sa publiko kahit walang booking o appointment. Karaniwang ito ay batay sa kategorya o edad. Partikular, ginagamit sa mga Open day ang bakunang AstraZeneca. Layunin nito na lalong palakasin ang kampanya ng pagbabakuna at mapabilis ang pagkakaroon ng herd immunity o ang tinatawag na ‘immunità di gregge’.
Open Day sa Lazio
Bukod sa unang inilathala ng Ako ay Pilipino, ukol sa nalalapit na pagbabauna sa mga medici di famiglia at mga pharmacies, ay nakatakda din ang Open day sa Lazio..
Sa Sabado May 15 at Linggo May 16 ay mayroong Open Day ng AstraZeneca sa Lazio para sa mga over-40s o sa mga ipinanganak mula 1981. Magkakaroon ng virtual ticket sa pamamagitan ng isang platform. Gayunpaman, ang kumpletong detalye ay ilalabas ng Regione Lazio sa mga susunod na araw, tulad ng mababasa sa website ng Regione Lazio.
Open Day sa Sicilia
Sa Sicilia, noong nakaraang Biyernes ay nagkaroon din ng pagbabakuna sa iba’t ibang mga centers sa mga over-50s o sa mga ipinanganak ng taong 1962-1971 na may karamdaman o ‘con patologia’, pati na rin sa mga over-60s.
Open Day sa Campania
Kagabi, Martes May 11 ay nagkaroon ng AstraZeneca Night sa Caserta. Ito ay ang ikalawang Open day na para din sa mga 18anyos. Sa pagkakataong ito ay kinailangang gawin ang booking dahil sa maraming bilang ng mga nakiisa sa unang Open day. (PGA)
Basahin din:
- Naghihintay ng Regularization, maaari bang magpabakuna kontra Covid19 sa Italya?
- Bakuna kontra Covid19 sa mga Medici di base at mga Pharmacies sa Lazio
- Undocumented, may karapatan bang mabakunahan kontra Covid19 sa Italya?