Nalalapit na ang pagbabalik ng ora legale o ng summer time.
Sa katunayan, sa Marso 28, araw ng Linggo, ay muling i-aabante ang mga orasan ng isang oras, mula alas dos sa alas tres ng madaling araw.
Samakatiwd, sa pagbabalik ng ora legale sa araw na nabanggit ay mababawasan ang ating mga tulog ng isang oras.
Ito ay sa kabila ng napabalitang tatanggalin na ang ora legale/solare sa Italya noong nakaraang taon. Isang desisyon ng Italya na iba kumpara sa bansang France na sinuportahan ng Germany, Finland, Lithuania, Sweden at Estonia.