in

Ora solare 2018, nagbabalik!

ora-solare-Ako-Ay-Pilipino

Tuwing Oktubre ay nagbabalik ang kilalang ‘ora solare’. Ito ba ay nangangahulugan ng isang oras na higit na tulog o isang oras na bawas sa tulog? Paano ito gagawin? Kailan magbabalik ang ‘ora legale’?

Ang ora solare 2018 ay muling nagbabalik. Ito ay magaganap sa madaling araw ng Linggo, Oct 28 kung saan ang oras ay ibabalik paatras ng isang oras. Samakatwid, mula alas tres ng madaling araw ito ay iaatras at gagawing alas 2.  Bukod sa pagkakaroon ng higit na isang oras na tulog, ito ay nangangahulugan rin ng mas maigsi ang araw at mabilis ang pagkalat ng dilim.

Gayunpaman, ayon sa mga ulat, sa kabila ng taunang kaugalian ng ora solare, ito ay nag-iiwan pa din ng ilang epekto tulad ng pagkahapo, pagod, antok dahil na rin sa pagbabago ng mga kinaugaliang ritmo ng katawan tulad ng oras ng pagkain, pagtulog, trabaho at maging ang liwanag na hatid ng araw. Dahil dito, ayon sa  pagsusuri ng Codacons, higit sa kalahati ng mga Italians ang pabor na tanggalin na ang ora solare.

Ang ora solare ay mananatili hanggang March 31, 2019 sa pagbabalik ng ora legale.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ika-7 Anibersaryo ng Santo Rosario sa Firenze, ginunitang puno ng grasya

Bilang ng mga dayuhan, nananatiling humigit kumulang 5 milyon simula pa ng 2013