Bagaman matagal ng nababalita, hindi pa rin tiyak kung tunay na huling pagkakataon na ng pagpapalit ng oras sa Italya.
Sa katunayan ay muling ibabalik paatras ng isang oras ang mga orasan sa bansa sa nalalapit na Oct 27, Linggo sa ganap na alas 3 ng madaling araw. Ito ay ang tinatawag na ora solare o solar time.
Samakatwid, ay madadagdagan ng isang oras ang tulog dahil mula alas tres ay ibabalik ang mga orasan pabalik sa alas dos ng madaling araw.
Ang ora solare ay mananatili hanggang March 29, 2020 para naman sa pagbabalik ora legale o ang tinatawag na Daylight Saving Time.