in

Ordinansa ni Raggi sa pagbabawal ng paputok, pinawalang-bisa ng TAR

Ang pagpapawalang-bisa sa ordinansa laban sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong taon ay hindi nagbibigay pahintulot sa paggamit sa mga ipinagbabawal na paputok, ayon sa Codacons. 

 

Roma, Disyembre 29, 2016 – Tinanggap ng TAR o Regional Administrative Court,  ang reklamong isinulong ng mga manufacturers at distributors at pinawalang-bisa ang pagpapatupad sa inilabas na ordinansa sa Roma ng kasalukuyang mayor na nagbabawal sa paggamit ng paputok simula ngayong hatinggabi, Dec 29 hanggang sa hatinggabi ng Jan 1, 2017. 

Bukod sa isinulong na reklamo ay nagpahayag din ang mga manufacturers at distributors ng mga paputok at kwitis ng paghingi ng danyos sanhi ng ipinalabas na ordinansa. 

Ito ay dahil ang naging aksyon ng mayor ay nagdulot ng 2 hanggang 3 million euros na danyos sa pagbebenta ng mga paputok, lusis at kwitis na dumaan sa masusing pagsusuri at may angkop na pahintutot”, paliwanag ni Luca Proietta ng Anisp. 

Gayunpaman, kinumpirma ng Codacons, ang asosasyon ng mga Consumers sa capital, na ang pagpapawalang-bisa sa ordinansa sa pagsalubong sa Bagong taon ay hindi nagbibigay pahintulot sa paggamit sa mga ipinagbabawal na paputok. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Multa mula 25 hanggang 500 euros sa sinumang gagamit ng paputok ngayong Bagong taon sa Roma

Kailangan ba ng New Year’s Resolution?