in

Over-qualification ng mga dayuhan sa Italya, ikalawa sa Europa 

Ayon sa pinakahuling ulat ng Eurostat, Italya ang ikalawang bansa sa Europa sa pagkakaroon ng mga over-qualified na mga dayuhan. Sa katunayan, 67% ng mga non-EU workers sa Italya ay nagsasagawa ng trabaho na nangangailangan ng mas mababang kwalipikasyon.

Ang mga nagtatrabahong dayuhan ay mas malaki ang posibilidad na overqualified kaysa sa mga nationals sa kanilang mga trabaho. Sa Europa noong 2021, ang over-qualification rate ay nasa 39.6% para sa mga third-country nationals at 32.0% para sa mga nationals ng ibang mga bansa sa EU. Samantala, ang over-qualification rate para sa mga nationals ay nasa 20.8%.

Ayon sa mga pinakahuling ulat na inilathala ng Eurostat, ang Statistical Office ng European Union, sa mga EU Member States, noong 2021, ang pinakamataas na overqualification ng mga non-EU nationals ay naitala sa Greece (69.5%), na sinundan ng Italya ( 67.1%), Spain (57.0%), Estonia (46.4%) at Austria (46.2%).

Ipinapakita rin ng mga datos na ang over-qualification rate, anuman ang country of citizenship, ay mas mataas sa mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan at, para sa mga dayuhang mamamayan naman, ay mas mataas sa mga matatanda kaysa sa mga kabataan. Kabaligtaran naman ang sitwasyon para sa mga nationals.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Non-nationals more likely over-qualified than nationals

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Permesso di Soggiorno per Attesa Occupazione, maaari bang gamitin sa pag-uwi sa Pilipinas? 

Pagbabago sa validity ng mga Permesso di Soggiorno at Decreto flussi, nilalaman ng bagong Decreto Legge