Pinag-aaralan ang marahil na pagbabago sa pag-iisyu ng green pass sa Italya.
Ayon sa dpcm na nilagdaan ng Punong Ministro Draghi, ang green pass ay gagamitin sa pagdalo sa iba’t ibang public event, pagbibiyahe sa ibang rehiyon, pagdalo sa mga okasyon at reception. Sa kasalukuyan, ang kilala din sa tawag na green certificate ay matatanggap matapos gumaling sa sakit na Covid19, sa pagkakaroon ng negative covid test result at matapos ang unang dose (humigit kumulang 15 araw).
Ngunit dahil sa patuloy na banta ng Delta variant sa Europa, maraming mga eksperto at dalubhasa ang nagsabing dapat ibigay ang green pass pagkatapos lamang ng ikalawang dosis ng bakuna kontra Covid19.
Partikular, ayon kay Undersecretary of Health, Pierpaolo Sileri, ay posibleng magkaroon ng pagbabago sa pag-iisyu ng green pass, ngunit hanggang sa kasalukuyan, ay wala pang malinaw na indikasyon ukol sa pagbabagong nabanggit.
Samantala, simula July 1, ang EU digital green certificate ay ipatutupad sa Europa na magpapahintulot sa malaya at ligtas na pagbibyahe sa Europa. Ito ay makakatulong upang maging mas madali ang pagbibiyahe sa mga bansa sa Europa at Schengen, ng hindi sasailalim sa mandatory qurantine.
Basahin din:
- Green Pass, narito kung paano magkaroon
- Delta variant, higit 18,000 kaso sa huling 24 oras sa UK. Sydney, lockdown ng dalawang linggo
- Delta variant, kinatatakutan ang mabilis na pagkalat sa Europa ngayong Summer