Sa botong pabor na 298, (232 ang tutol at 9 ang abstention) inaprubahan ng Kamara kamakailan ang bagong teksto ng Decreti Sicurezza o ang mas kilalang Decreti Salvini.
Ang bagong teksto ay nagtanggal sa mga pangunahing nilalaman ng dalawang batas na inaprubahan ni dating Interior Minister Matteo Salvini.
Matatandaang inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ang mga susog sa Decreti Sicurezza at inaasahang iaakyat ito ngayong linggo sa Senado.
Narito ang mga pagbabago.
Basahin din:
- Decreti di Sicurezza, tatanggalin!
- Pangako ni Conte kay Matarella: Babaguhin ang Decreto Sicurezza
- Italian Citizenship, 3 taon na lamang sa bagong Decreto Legge