in

Pagbabago sa kulay ng mga Rehiyon simula Feb. 8, 2021

Kulay ng mga Rehiyon Italya Ako Ay Pilipino

Batay sa resulta ng weekly monitoring ng Isituto Superiore Sanità, isang rehiyon lamang ang magpapalit ng kulay simula February 8, 2021

Ito ay ang Sardegna na mula zona arancione (average-high risk) ay bababa sa zona gialla (moderate risk).

Mananatili sa zona arancione ang mga sumusunod na rehiyon: 

  • Puglia, 
  • Sicilia, 
  • PA di Bolzano,
  • Umbria. 

Ang lahat ng iba pang mga rehiyon ay kumpirmadong nasa zona gialla. Samakatwid, nasa zona gialla ang mga rehiyong: 

  • Abruzzi,
  • Basilicata, 
  • Calabria,
  • Campania,
  • Emila Romagnia,
  • Friuli Venezia Giulia,
  • Lazio,
  • Liguria,
  • Lombardia,
  • Marche,
  • Molise,
  • PA Trento,
  • Piemonte,
  • Sardegna, 
  • Toscana,
  • Valle D’Aosta,
  • Veneto.

Ilang lugar sa ilalim ng zona rossa

  • Ang buong Provincia ng Perugia (sa Umbria) at anim na Comune – Amelia, Attigliano, Calvi dell’Umbria, Lugnano in Teverina, Montegabbione at San Venanzo – ay sasailalim sa zona rossa ng dalawang linggo mula sa Feb 8, 2021. 

Ito ay nasasaad sa isang ordinansa ng Presidente ng Regione Umbria, Donatella Tesei. 

Ayon sa ulat ng Ansa, naitala sa Umbria ang 18 kaso ng UK variant at 12 Brazil variant, habang ang iba ay kasalukuyang naghihintay pan g resulta. May kabuuang 42 kaso ang ipindala sa ISS para sa pagsusuri. 

  • Chiusi (Siena) sa Toscana ay zona rossa din sa loop ng isang linggo.
  • Comune di Tortorici sa Regione di Sicilia
  • Comune di Tocco da Casauria sa Regione Abruzzo

Alto Adige, lockdown din

Simula Feb. 8, 2021 ay sasailalim din sa lockdown ang Alto Adige (PA Bolzano) sa loob ng tatlong linggo. Ito ay matapos malampasan araw-araw ang 500 cases sa bawat 100,000 residente.

Sa February 15 ay magtatapos ang validity ng pagbabawal na magbiyahe o magpunta sa ibang rehiyon. Ang pagbabago ng preventive measure gayunpaman ay nasa kamay na magiging bagong gobyerno. 

Samantala, ang indikasyon ng CTS sa gobyerno ni Conte ay magpapatuloy sa mga paghihigpit hanggang March 5, kasabay ang pagtatapos ng mga restriksyong nasasaad sa huling DPCM na pirmado ni Conte. 

Matatandaang sumailalim ang Italya sa restriksyon batay sa klasipikasyon ng kulay:

  • zona Rossa – rischio alto o high risk,
  • Zona Arancione – rischio medio-alto o average-high risk,
  • zona Gialla – rischio moderato o moderate risk

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong variant ng Covid19 sa Italya Ako Ay Pilipino

Bagong variant ng Covid19, naitala ang 145 cases sa Italya

minimum salary required permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Ano ang minimum salary required para sa renewal ng permesso di soggiorno sa Italya?