in

Pagbabago sa validity ng ISEE 2019, nilinaw ng Inps

Sa isang komunikasyon ay nilinaw ng Inps ang validity ng ISEE 2019.

Ang ISEE o Indicatore di Situazione Economica, ay isang mahalagang dokumento para sa lahat ng mga residente sa bansa – Italyano man o dayuhan – dahil ito ang pamantayang ginagamit upang suriin ang pagiging kwalipikado sa pagtanggap ng mga social benefits, bonus, discount o agevolazioni mula sa Inps, Comune at iba pang ahensya ng administrasyong publiko.

Ito ay isang kalkulasyong pinansyal batay sa sahod ng pamilya at sa dami ng miyembro nito.

Kamakailan ay nilinaw ng Inps sa isang komunikasyon ang validity ng ISEE 2019.

Matatandaang unang inanunsyo na ang Dichiarazione Sostitutiva Unica (DSU) na mahalaga para sa kalkulasyon ng ISEE ay balido hanggang August 31, 2019 ayon sa Artikulo 10 ng Legislative Decree n 147 ng 2017.

Samantala ang pagsasabatas ng decreto legge Jan 28, 2019 n. 4 ay sinusugan ang nabanggit na validity ng DSU at pinahaba hanggang Dec. 31, 2019.

Dahil dito ay ipinatutupad ang validity mula sa petsa ng aplikasyon hanggang Dec. 31, 2019 ng mga DSU na inaplay mula Jan 1 hanggang sa mga i-aaplay sa August 31, 2019.

Ayon pa sa Inps, ang mga DSU na balido hanggang August 31, 2019 ay updated na lahat at mayroon ng bagong validity.

Samakatwid, lahat ng ISEE na mayroon validity ng August 31, 2019 ay ituturing na balido hanggang December 31, 2019.

Samantala, ang mga aplikasyon ng DSU mula Sept. 1, 2019 ay magiging balido hanggang August 31, 2020. Dahil mula September 1, 2019 ay ipatutupad umano ang obbligo del modello ISEE precompilato Inps e Agenzia delle Entrate.

Ang ISEE ay maaaring gawin:

  • Sa pamamagitan ng website ng Inps, gamit ang personal PIN, SPID o CNS;
  • O sa tulong ng mga CAF o commercialista.

Ang ISEE ay matatanggap makalipas ang 10 araw matapos ang validation ng Inps.

Narito ang mga requirements para sa kalkulasyon ng ISEE

Mga dokumentasyong ukol sa pamilya:

  • stato di famiglia;
  • codice fiscale (lahat ng miyembro ng pamilya);
  • balidong dokumento (permesso di soggiorno ng aplikante at Carta d’Identità);
  • huling income tax return (730 o Unico);
  • Certificazione dei redditi (Certificazione Unica, ex-CUD);
  • Contratto d’affitto at huling resibo ng bayad sa upa;
  • Saldo contabile ng bank account o postal account;
  • Estratto conto con giacenza media hanggang Dec 31, 2018;
  • Life insurance;
  • Patrimonio immobiliare o real estate at movable assets;
  • Medical expenses;
  • Investment;

Para sa mga exempted naman gumawa ng income tax return ay kakailanganin ang Certificazione Unica 2016 o dating CUD.

Kakailangan din ang mga sumusunod para sa kalkulasyon ng ISEE 2019 at DSU:

  • disability certificate;
  • anumang patunay ng pagtanggap ng anumang social benefit;

Paalala: Ang mga nabanggit ay ang basic requirements. Halimbawa: Para sa mga mayroong anak na nag-aaral at fiscally dependent sa magulang ay mayroong karagdagang dokumentasyon na dapat ihanda.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Deadline ng request sa Postal Voting sa Roma, nilinaw ni Ambassador Nolasco

Dichiarazione Sostitutiva, mahalagang ibigay sa colf para sa Dichiarazione dei Redditi