Mas pinasimple ang regular na pagpasok sa Italya ng mga dayuhan at releasing ng permesso di soggiorno at mas pinabigat ang parusa sa mga human traffickers at hindi regular na imigrasyon.
Ito ang dalawang bahagi ng Decreto Legge na inaprubahan noong March 9 ng Konseho ng mga Ministro sa Cutro, Crotone, at inilathala sa Official Gazette ng March 10.
Ang Konseho ng mga Ministro, sa mungkahi ni Premier Giorgia Meloni at ng mga Ministers of Interior, Matteo Piantedosi; of Justice Carlo Nordio; of Labor at Social Policies Marina Calderone; of Foreign Affairs and International Cooperation, Antonio Tajani; of Agriculture, food sovereignty and forests Francesco Lollobrigida at Civil Protection at Marine Policies Nello Musumeci, ay inaprubahan ang isang batas na naglalaman ng mga urgent provisions ukol sa regular na pagpasok ng mga dayuhang manggagawa at labanan ang iligal na imigrasyon.
Pinapalakas ng mga bagong batas ang mga instrumento upang labanan ang iligal na migrasyon at ang mga network na nagpapatakbo ng human trafficking. At pinapasimple rin ng bagong batas ang proseso sa pagpasok ng mga kwalipikadong migrante sa pamamagitan ng mga legal na pamamaraan.
Narito ang mga pangunahing nilalaman ng bagong decreto-legge
Pagbabago sa mga permesso di soggiorno per lavoro subordinato
Mas pinadali ang employment process o pagsisimula sa trabaho ng mga dayuhan sa mga italian companies at mas pinabilis ang proseso sa releasing ng nulla osta al lavoro subordinato, kasama din ang mga pangangailangan sa seasonal job.
Validity sa renewal ng permesso di soggiorno
Ang renewal ng permesso di soggiorno per lavoro, lavoro autonomo at ricongiungimento familiare ay magkakaroon ng maximum validity ng tatlong taon, sa halip na dalawang taon sa kasalukuyan.
Decreto flussi para sa pagpasok ng mga dayuhang manggagawa
Ang quota o bilang ng mga dayuhan na papasukin sa Italya para sa subordinate job ay itatalaga tuwing tatlong taon (2023-2025) at hindi na taun-taon, sa pamamagitan ng decreto ng Pangulo ng Konseho ng mga Ministro, na napapailalim sa opinyon – ng mga in charge Parliamentary Commission .
Ang bilang o quota ay itatalaga sa mga manggagawa ng mga bansang papaboran dahil sa ginagawang media campaign o promosyon ukol sa panganib na hatid ng illegal migration.
Internship program
Ang pagpasok ng mga dayuhang nakatapos ng internship program sa kanilang country of origin na accredited sa Italya at sa labas ng decreto flussi, ay itataguyod ng Ministry of Labour.
Priyoridad sa mga kumpanya/ agricultural workers
Ang mga employer na nag-aplay para sa pagtatalaga ng mga agricultural workers at hindi nakasama sa mga itinalaga ay bibigyan ng priyoridad bago ang mga bagong aplikante.
Paglaban sa agromafias
Upang maprotektahan ang merkado sa bansa mula sa agri-food crime, ang mga kawani ng Central Inspectorate for the protection of quality and fraud repression of agri-food products, na nasa mataas na antas at posisyon ng mga opisyal ay may kwalipikasyon ng judicial police officer, ang natitirang mga tauhan na nagtatrabaho sa assistants area at operators area ay mga judicial police officers.
Pinabigat ang parusa para sa krimen na nauugnay sa iligal na imigrasyon
Nasasaad ang bagong krimen ng “kamatayan o pinsala bilang resulta ng krimen na nauugnay sa iligal na imigrasyon”, na may mabigat na parusa:
- mula 10 hanggang 20 taon para sa malubha o napakalubhang pinsala sa isa o higit pang tao;
- mula 15 hanggang 24 taon para sa pagkamatay ng isang tao;
- mula 20 hanggang 30 taon para sa pagkamatay ng mas maraming tao.
Expulsion at apeal
Ang pangangailangan sa validation ng hukom ay tinanggal na sa pagpapatupad ng expulsion decree matapos hatulan.
Shelters at detention centers
Nasasaad ang mga bagong patakaran para sa pagsasailalim ng pamamahala ng mga government center; shelters o detention center ng mga migrante upang ipagpatuloy ang functions ng mga ito.
Sa panahon ng pagkilala, pagkuha o pagpapalawak sa mga centri di permanenza per i rimpatri (CPR), ang opsyon ay bawasan ang code ng mga public contracts na magbibigay-daan para sa mas mabilis na pagsasagawa ng mga pamamaraan. Ang bisa ng derogation ay limitado hanggang 31 Disyembre 2025. Ito ay gagawin, gayunpaman, batay sa pagsunod sa mga probisyon ng anti-mafia law code at mga prevention measures.
Special protection
Ang special protection ay itinalaga upang maiwasan na humantong ang interpretasyon sa hindi wastong pagpapalawig sa kahulugan nito.