Maantala ang pagbabakuna sa Italya at magkakaroon ng pagbabago ukol sa vaccination plan. Ito ay dahil sa pagkaka-antala ng mga inaasahang dosis ng mga bakuna mula Pfizer at AstraZeneca.
Dahil dito, ang mga over 80s ay kailangang maghintay ng isa pang buwan upang matanggap ang unang dosi. Habang ang karamihan ng mga mamamayan ay kailangang maghintay ng mula anim hanggang walong linggong pagkaka-antala. Ang delayed, gayunpaman, ay isang bagay na hinaharap ng maraming bansa sa Europa, hindi lamang ang Italya.
Kaugnay nito, sinisigurado naman ng Pfizer ang pagbabalik produksyon sa mga susunod na araw. Ukol sa backlog, ayon pa sa Pfizer, ay nagsasagawa na umano ng assessment sa produskyon. Ngunit ito ay nangangailangan munang aprubahan ng EMA o EU Medicine Agency.
Samantala, ang mga unang dosi mula sa AstraZeneca ay inaasahan sa Feb 15 at 28 at Mar 15. Ito ay kung makakatanggap ito ng awtorisasyon mula sa EMA sa susunod na linggo.
Kaugnay nito, ang gobyerno ng Italya ay kakailanganing magkaroon din ng reassessment sa vaccination plan. Matatandaang ito ay inilahad sa bansa noong December 2.
Hanggang katapusan ng Marso ay aabot lamang sa 15M dosis ang dapat sanay 28M tulad ng nasasaad sa initial plan. Sa unang tatlong buwan ng 2021, aabot lamang sa humigit kumulan na 7 milyon ang mababakunahan.
Gayunpaman, hanggang Jan 24, 2021, ay umabot na sa bilang na 1.379.124 katao ang nakatanggap ng bakuna laban sa Covid19. Sa bilang na ito, ay 100,863 katao naman ang nakatanggap na ang una at ikalawang dosi ng bakuna. Ito ay ayon sa ulat ng Ministry of Health. (PGA)
Basahin din:
- Ang schedule ng bakuna laban Covid19 batay sa edad
- Primrose, simbolo ng kampanya para sa Bakuna laban Covid19
- Bakuna kontra Covid19, isa bang obligasyon?
- Bakuna laban Covid19, higit 20 milyon doses sa Italya hanggang Hulyo