Ipinagpaliban ng ilang araw ang pagbabalik eskwela ng Scuola Superiore sa bansa. Ito ay matapos aprubahan ang bagong decreto legge.
Sa huling 2 buwan ay nagpatuloy ang DAD o distance learning ng mga mag-aaral sa Scuola Superiore. Ang muling pagpasok sa eskwela ay unang nakatakda para bukas, January 7, sa pagtatapos ng Christmas vacation. Matatandaang ipinahinto ang pagpasok ng mga mag-aaral dahil sa biglang pagtaas sa bilang ng mga mag-aaral na nag-positibo sa virus.
Sa inaprubahang decrete legge, ang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral ng Scuola Superiore ay ipinagpaliban at ginawang January 11. Gayunpaman, nananatiling tumutukoy ito sa kalahati o 50% lamang ng bilang ng buong paaralan. Samakatwid, ang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral ay hindi magiging araw-araw, bagkus batay sa organisasyon ng mga paaralan. Ipagpapatuloy naman ang distance learning o DAD sa January 7 – 9.
Samantala, walang anumang pagbabago sa pagbabalik eskwela bukas, January 7 ng elementary at high school o media.
Sa kabila nito, ang ilang Rehiyon ay nagtakda rin ng ibang petsa ng pagbabalik eskwela.
Narito ang mga petsa (na maaaring magkaroon ng mga pagbabago) sa ilang Rehioyn.
- Campania – Ang Scuola Media ay babalik eskwela sa Jan. 11 at ang Superiore ay sa Jan 25;
- Calabria – Wala pang petsa ang pagbabalik eskwela;
- Friuli Venezia Giulia – Ang pagbabalik eskwela ay sa Jan 31;
- Liguria – Wala pang petsa ang pagbabalik eskwela;
- Marche – Sa February 1 na ang pagbabalik eskwela;
- Piemonte – Wala pang petsa ang pagbabalik eskwela;
- Puglia – Wala pang petsa ang pagbabalik eskwela;
- Sardegna – Ang pagbabalik eskwela ay sa Jan 15;
- Sicilia – Ang pagbabalik eskwela ay sa Jan 18;
- Veneto – Ang pagbabalik eskwela ay sa Jan 31;
Ang mga hindi nabanggit na Rehiyon ay regular na sa January 11 ang pagbabalik eskwela ng Scuola Superiore.
Sa kabila ng ilang araw na pagpapaliban, nananatiling maraming mga paaralan ang hindi sang-ayon sa muling pagbabalik eskwela ng Superiore. Ito ay dahil nananatili umanong mataas ang bilang ng mga positibo sa virus. At ang pagbabalik eskwela ay maaaring maging sanhi ulit ng pagtaas sa bilang ng mga positivo sa virus. (PGA)
Narito ang anunsyo ng Ministero dell’Istruzione, dell’Università e della Ricerca o MIUR.