Ang muling pagbabalik eskwela ay tila priyoridad ng gobyerno. Ano nga ba ang mga posibleng petsa?
Ang Gobyerno at CTS (Comitato Tecnico Scientifico) ay nagpahayag na ng pagsang-ayon sa pagbabalik eskwela ng Scuola Superiore. Ang kumpirmasyon nitong mga nakaraang araw ay malinaw at desidido.
Punong Ministro Giuseppe Conte: “Nais naming buksan muli ang Scuola Superiore bago magpasko, Ito ay aming pinag-aaralan”.
Education Minister Lucia Azzolina: “Kung ang bilang ng mga infected ay bababa, ay magkakaroon ng posibilidad na mabawasan ang mga paghihigpit, umaasa ako na ang Scuola Superiore ay unti-unti na ring magbabalik eskwela”.
Health Minister Roberto Speranza: “Sentro ng atensyon ng gobyerno ang paaralan, ito ay isang priyoridad. Aming sinusuri araw-araw ang mga datos at pinipilit na unawain kung paano muli ito patatakbuhin”.
Agostino Miozzo (CTS): “Ang paaralan ay dapat na muling magbukas”.
Ngunit kailan nga ba wawakasan ang DAD o distance learning at samakatwid ay ang pagbabalik eskwela? Sa kasalukuyan ay may 3 posibleng petsa:
- Dec. 9 – Ito ang petsa na nais ni Education minister Azzolina
- Dec.15 – Ito ay isang makahulugang pagbabalik bago mag-pasko
- Jan 9 – Makalipas ang holiday season (PGA)