Pagbabalik ng mga restriksyon. Ito ang inaasahan ni Health Minister Roberto Speranza kasabay ng pagtaas muli ng bilang ng mga bagong kaso ng Covid19 sa bansa, sanhi ng Delta variant.
Pinangangambahan din ang muling pagbalik ng ilang Rehiyon sa zona gialla, kung saan kakailanganing ibalik ang mask sa outdoor at magpaalam muli sa dine-in sa loob ng mga restaurants at bars. Partikular, ang mga Rehiyon ng Sicilia, Marche, Campania at Abruzzo.
Ayon pa kay Health Minister Speranza kung magpapatuloy ang trend na ito, sa loob ng dalawa o tatlong linggo, kalahati ng Italya ay babalik din sa zona gialla.
Kasama ang Presidente ng Konseho ng mga Ministro Mario Draghi, ay inoobserbahan ang mga bansa kung saan sa kabila ng malawakang pagbabakuna ay nagkakaroon ulit ng bagong wave ng Covid19, partikular sa UK kung saan noong July 13 ay nagtala ng higit sa 36,000 at 50 biktima. Pati sa Israel kung saan muling ibinabalik ang mga restriksyon tulad ng pagsusuot ng mask sa outdoors.
Magabal na sistema ng pagbabakuna sa Italya
Ngunit ang pinangangambahan sa Italya ay ang mabagal na sistema ng pagbabakuna at ang malaking bilang ng mga over 50s na hindi pa bakunado. Halos 9 na milyong Italians over 50s ang hindi pa nakakakumpleto ng mga dosis ng bakuna: higit sa 3.8 milyon ang mga naturukan ng unang doses samantala 5.1 milyon naman ang nananatiling exposed sa banta ng Delta variant dahil hindi pa mga bakunado. (PGA)
Basahin din:
- Green Pass sa pagpasok sa mga restaurants at bars? Pinag-aaralan sa Italya
- Epekto ng EUFA Championship, makikita sa loob ng 4 o 5 araw
- Delta variant, nakarating na sa 104 bansa