Pinalawig ng Konseho ng mga Ministro hanggang February 25, 2021, ang pagbabawal sa paglabas mula sa sariling rehiyon at ang pagpunta sa ibang rehiyon. Maliban na lamang kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at pangangailangan. Kabilang na dito ang pahintulot sa p ag-uwi o pagbalik sa rehiyon kung saan residente o nakatira (domicilio o abitazione). Ang mga dahilang pinahihintulutan ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng Autocertificazione.
Matapos aprubahan ng Konseho ng mg Ministro noong February 12, ay inilathala sa Official Gazette number 36 ang decreto-legge na nagpapalawig sa nabanggit na restriksyon.
Nasasaad din sa nabanggit na decreto-legge, ang hindi pagsunod sa anti-covdi19 preventive measures ay papatawan ng administrative sanctions na nagkakahalaga ng € 400 hanggang € 3000.
Kung ang hindi pagsunod sa nabanggit ay sa pamamagitan ng paggamit ng isang sasakyan, ang multa ay nadadagdagan hanggang one third.