Patuloy ang pagdating ng mga migrante, ngunit ang pagbubukod-bukod sa mga ito ay nananatiling mabagal, karamihan ng mga sentro ay puno na. May kaguluhan din sa Pantelleria.
Rome – Hindi tumitigil ang pagdagsa ng mga migrante sa Lampedusa. Noong nakaraang gabi, makalipas ang alas 3:00 ng madaling araw, ay dumagsa sa isla ang 312 refugees, 59 ang mga kababaihan at 4 naman ang mga bata.
Ang bilang ng mga migrante sa isla ay patuloy na dumadami at umabot na sa higit sa 2600. Sa isang mahabang weekend noong nakaraang linggo ay umabot sa halos 1800 ang dinala sa center sa dating militar base sa Loran. Kung ang sitwasyon sa Lampedusa sa mga nakaraang araw ay muling naging malubha, sa Pantelleria naman ay ganap na nasa kaguluhan matapos ang isang sunog sa center na tinitigilan ng isang daang mga imigrante.
Ang angal ng mga migrante sa Pantelleria, tulad ng iniulat ng isang pahayagan sa Sicily, ay tunay ang kakulangan ng espasyo at pagkain, at sa ngayon na ang sentro ay masikip o puno na, ang administrasyon ay dapat gumawa nà ng hakbang sa paghahanap ng isang bagong lugar para sa mga natitirang migrante.
Inaasahan ang patuloy na pagdagsa ng mga migrante habang ang magandang panahon ay tila umaayon. Nananatili namang ang pagbubukod bukod sa mga migrante ay mabagal. Kahapon ay 111 lamang ang mga migrante na naiayos ang matutuluyan dahil karamihan ng mga Italian shelters ay napupuno na rin, tulad ng nangyari sa Liguria na humihingi na ng tulong sa ibang munisipyo sa Hilagang Italya na panindigan at igalang ang kahulugan ng “responsibilidad” sa panahong ito ng krisis.