Hinihikayat ng World Health Organization (WHO) ang mga Europeans sa paggamit ng mask kahit sa mga family gatherings sa nalalapit na Kapaskuhan.
Ayon sa WHO ay nananatiling mataas pa ang peligro sa Europa, para sa posibleng pagkakaroon ng third wave sa pagpasok ng 2021.
Batay sa European regional office ng WHO, ang pagkakaroon ng sunud-sunod na pagtitipon ng mga pamilya at malalapit na magkakaibigan ngayong holiday season ay maaaring maging sanhi ng higit na pagkalat ng coronavirus.
Dahil dito, ay hinihimok ang mga indibidwal, pamilya at komunidad na maging responsable at gampanan ang kani-kanilang bahagi.
Ang mga family gatherings, hangga’t maaari ay gawin umano sa outdoor. Kung gagawin ito indoor, ang bawat isa ay hinihimok ng paggamit ng mask at sundin ang social distance.
Bukod dito, hinihikayat din ang komunidad na iwasan ang matataong lugar tulad ng public transportation. Mungkahi din ng WHO na magbigay babala din sa mga ski resorts na paboritong lugar ng marami sa panahon ng taglamig. (PGA)