in

Paggamit ng pekeng green pass o green pass ng ibang tao, ang parusa

Ang hindi pagpapakita at paggamit ng peke o green pass ng ibang tao ay isang paglabag sa batas at mayroong karampatang parusa. 

Sa loob ng ilang linggo, ilan ang naiulat na pirated green pass na nabibili sa internet na nagkakahalaga mula €200 hanggang € 400. Isang malaking problema sa seguridad at regulasyon laban sa Covid na kasalukuyang iniimbistigahan.

Ano nga ba ang parusa sa mga mahuhuling gumagamit ng pekeng green pass o gumagamit ng green pass ng ibang tao?

Administrative sanction 

Una sa lahat ay ang tinatawag na administrative sanction o multa sa sinumang hindi susunod sa pagpapakita ng green pass sa mga lugar kung saan ito ay mandatory: mula sa mga restaurants (dine-in) hanggang sa transportasyon at mga work place. Ang multa ay mula €400 hanggang €1,000. Ang pagsusuri ay isasagawa ng mga employees o ng taong pinili ng employer, habang ang multa ay ipapataw ng awtoridad.

Fake Green pass

Ang sitwasyon ay lumalala sa paggamit ng pekeng green pass, dahil bukod sa administrative ay idadagdag ang penal sanction. Ang sinuman na magpapakita ng pekeng green pass sa public official ay aakusahan ng krimen na falsification of document

Ang QR code ay itinuturing bilang isang normal na sertipiko. Ang sinuman na magpapalsipika nito ay paparusahan ng pagkakakulong mula 6 na buwan hanggang 3 taon, habang ang gagamit naman ng pekeng green pass ay nababawasan ang parusa hanggang ikatlong bahagi nito.

Paggamit ng Green pass ng ibang tao

Samantala, ang mga taong sa halip na pekeng sertipiko, ay isang balidong green pass na pag-aari ng ibang tao. Posibleng kilalanin ang krimen ng sostituzione di persona o people/identiy replacement, na sa Italya ay pinaparusahan ng pagkakakulong hanggang isang taon. Ang sinumang magpapahiram ng green pass ay kakasuhan ng complicity.

Validity ng Green pass, pinag-aaralan

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ng gobyerno ang pagpapalawig sa panahon ng pagiging mandatory ng green pass mula December 31, 2021 hanggang June 2022. Mainit din ang diskusyon sa pagbabawas sa panahon ng validity nito mula 12 buwan sa 9 o 6 na buwan. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4]

Pinoy na nagpamalas ng kabayanihan sa Catania, pinarangalan

Ako Ay Pilipino

Europa, dumadami ang mga biktima ng Covid19