in

Paghihigpit sa Italian Citizenship, Narito ang Mahahalagang Pagbabago

Italian citizenship ng mga dayuhang ipinanganak sa Italya, narito kung paano

Naipublish na sa Official Gazette (Gazzetta Ufficiale) ang Batas Blg. 74 noong Mayo 23, 2025, na naglalaman ng mga probisyon ukol sa Italian citizenship.

Ang batas, na binubuo ng apat na artikulo, ay nagtatakda ng pagbabawal sa awtomatikong pagkakaloob ng Italian citizenship para sa mga ipinanganak sa ibang bansa na may iba pang citizenship (maliban na ilang exemptions).

Italian Citizenship through Ancestry o Cittadinanza Italiana per Discendenza

Sa katunayan, isa sa mga pangunahing pagbabago ay ang paghihigpit sa mga patakaran ng Italian citizenship through ancestry o cittadinanza italiana per discendenza. Ito ay isang mahalagang pagbabago para sa libu-libong katao na naghahangad na magkaroon ng italian passport dahil sa pagkakaroon ng italian origin. Ang bagong batas ay nagtatalaga kung sino ang may karapatan sa ius sanguinis o right of blood. Layunin nito ang gawing mas malinaw ang pagkilala sa Italian citizenship. 

Ayon sa bagong regulasyon, tanging hanggang dalawang henerasyon lamang ang awtomatikong makakakuha ng Italian citizenship sa pamamagitan ng ius sanguinis (right of blood) — ibig sabihin, kailangan ay may isang magulang o lolo/lola na ipinanganak sa Italya.

Gayunpaman, ang mga magulang o lolo’t lola ay kinakailangang may eksklusibong Italian citizenship o nakatira sa Italya nang tuloy-tuloy ng hindi bababa sa dalawang taon bago ipanganak ang anak.

Ayon pa sa batas, hindi awtomatikong makakakuha ng Italian citizenship ang sinumang ipinanganak sa ibang bansa na may ibang citizenship sa oras ng kapanganakan. Saklaw din nito ang mga ipinanganak bago pa man ipatupad ang bagong batas, maliban kung:

  • Nakapagpasa na ng aplikasyon sa consulate o sa mayor (sindaco) bago o sa Marso 27, 2025; o
  • May natanggap na appointment letter bago ang nasabing petsa.

Mga Dayuhang Menor de Edad o Stateless Minors

Isa pang bagong probisyon ay para sa mga banyagang menor de edad o stateless minors, na may magulang na Italian citizen sa kapanganakan. Maaari silang maging Italian citizen kung idineklara ng magulang o legal guardian ang kagustuhang ito.

Pagkatapos ng deklarasyon, dapat na regular at tuloy-tuloy na manirahan ang bata sa Italya sa loob ng hindi bababa sa dalawang taon upang maging Italian citizen.

Decreto Flussi 

Pinapahintulutan din ang pagpasok at paninirahan sa Italya para sa dahilan ng trabaho (lavoro subordinato) sa ilalim ng Decreto Flussi ang mga dayuhang may dugong Italyano at naninirahan sa mga bansa na itinuturing na may mahalagang kasaysayan ng Italian emigration. Itatakda ng Minister of Foreign Affairs kung aling mga bansa ang kabilang dito.

Riacquisition of Italian Citizenship  

Isinama rin sa bagong batas ang posibilidad ng riacquisition o ang muling pagkuha ng Italian citizenship para sa mga:

  • Ipinanganak sa Italya o
  • Dating nanirahan sa Italya ng hindi bababa sa dalawang magkasunod na taon
    at nawala ang Italian citizenship dahil sa pagkakaroon ng citizenship ng ibang bansa.

Para sa aplikasyon ay kailangan magbayad ng kontribusyon na nagkakahalaga ng €250. 

(Sources: Ministry of Foreign Affairs, Gazzetta Ufficiale, Ansa)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Referendum sa Italian Citizenship sa June 8 & 9, Bakit Mahalaga para sa mga Pilipino sa Italya?