Isang bagong regulasyon ang ipatutupad sa domestic job.
Simula noong nakaraang December 12, isang bagong regulasyon ang ipinatutupad sa domestic job.
Sa nota tecnica UNI 11766/2019, batay sa European Qualifications Framework, ay nasasaad ang mga minimum qualifications na dapat na tinataglay ng isang domestic worker upang magkaroon ng angkop na sertipiko o ang tinatawag na ‘patente di qualità’ para makapag-trabaho.
Hanggang sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng sertipiko bilang karagdagang kwalipikasyon ay batay lamang sa pagnanais ng domestic worker. Ang mga kurso o anumang paghahandang propesyunal sa iba’t ibang antas sa sektor ay pinangunahan ng mga asosasyon at pribado.
Sa bagong regulasyon, ang sertipiko o ‘patente di qualità‘ ay matatanggap lamang matapos ang angkop na kurso na magkakaiba para sa colf, babysitter at caregiver.
Ang lahat ng mga domestic workers, kabilang ang mga kalalakihan, ay matatanggap lamang ang sertpiko sa pagkakaroon ng sumusunod na minimum qualifications:
- minimum knowledge ng wikang italyano,
- professional reliability sa pamamagitan ng kurso ng 64 hrs sa mga caregivers at babysitters at 40 hrs naman ang mga colf,
- pagkakaroon ng karanasan tulad ng tamang pakikipag-usap sa inaalagaan at pamilya nito, kakayahang sundin ang tagubilin ng duktor at angkop na pag-uugali sa oras ng emerhensya.
Bukod sa paghahandang teknikal ng mga domestic workers, ay kinakailangan din ang pag-pirma sa Code of Ethics sa domestic job.
Ang bagong panuntunan ay esklusibong para sa mga domestic workers lamang at inaasahan ang paglabas ng Implementing Rules & Guidelines nito sa lalong madaling panahon. (PGA)