in

Pagkalat ng phishing email, Agenzia dell’Entrate nagbigay babala

Nagbigay babala ang Agenzia dell’Entrate kamakailan sa patuloy na pagkalat ng mga phishing email.

Sa isang press release ng Agenzia dell’Entrate kamakailan ay nagbigay ang ahensya ng babala ukol sa kumakalat ng pekeng email.

Ito ay tumutukoy sa isang balidong pec email address na walang anumang koneksyon sa ahensya na nagpapadala ng komunikasyon sa mga pribado at mga kumpanya na layuning nakawin ang mga mahahalagang datos at impormasyon online o ang tinatawag na phishing.

Ang e-mail ay mayroong oggetto na kahintulad ng ipinapadala ng ahensya na tila protocol number. Ito ay may lakip na zip file na may pdf at vbs file. Ang huling nabanggit, matapos itong i-click at buksan ay awtomatikong magdo-download sa computer ng isang software kung saan makukuha ang control ng computer.

Ipinapaalam ng ahensya na wala silang kinalaman ukol dito at pinapaalalahanan ang lahat na i-delete agad ang komunikasyong tulad nito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Renewal ng CCNL lavoro domestico, bago magtapos ang 2019

Bilang ng mga New Italians, patuloy ang pagbaba simula 2017