in

Pagluluwag at pagtatanggal ng mga restriksyon, maaga pa. Ang panawagan ng mga duktor

ICU sa Italya Ako Ay Pilipino
Pagluluwag at pagtatanggal ng mga restriksyon, maaga pa. Ang panawagan ng mga duktor.

Ang mga ospital sa Italya ay overload pa rin. Lampas pa rin sa warning level ang mga intensive care unit at Covid ward. Nananatiling mataas pa rin ang mortality rate. Totoong nagtala ng pagbagal sa pagkalat ng coronavirus noong nakaraang linggo ngunit nananatiling nasa 530,000 pa rin ang mga aktwal na maysakit at maaga pa para sa pagluluwag o pagtatanggal ng mga restriksyon”. Ito ang panawagan ng mga pangunahing unyon ng medisina sa Italya.

Ang mga health operators ay walang tigil sa pagta-trabaho araw at gabi ng higit sa isang taon na. Patuloy na hinaharap ang epekto ng third wave sa mga ospital. Maaga pa para sa mga pagluluwag na maaaring maging mapanganib sa buhay ng mga infected, pati na rin ang prevention at cure ng ibang pasyente na may ibang karamdaman ay manganganib dahil sa posibleng sirkulasyon muli ng virus at paglobo ng mga pasyente sa mga ospital”. Ito ang alarma ng mga duktor at mga tagapamahala ng national health service sa mga politiko na tila hindi pinakikinggan.

Sa ikatlong pagkakataon ang mga health operators ay kailangang magsakripisyo bukod pa sa panganib ng kanilang mga kalusugan, physically at psychologically. Anila, tunay na ang paggawa ng mga desisyon para sa bansa ay responsibilidad ng politika ngunit kanilang pananagutan bilang frontliners ang magbigay ng malinaw na paglalarawan ng epidemiological situation.  

Ayon pa sa mga unyon ng medisina, ang pagtatanggal ng mga paghihigpit ay posible lamang kung sa araw-araw ay bababa sa 5 libo ang mga kaso, kung magkakaroon ng malawakang testing at ibabalik ang contact tracing para mapigilan ang pagkalat ng epidemya, kung bababa sa 40% at 30% sa warning level ng mga covid ward at mga intensive care unit, kung makukumpleto ang pagbabakuna sa mga priyoridad at over 60s at magtatala ng pagbaba sa mortality rate. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sick leave, gaano katagal mapapanatili ang trabaho ng colf?

Ako Ay Pilipino

Johnson & Johnson, maaantala ang pagdating sa Europa. Suspendido ang pagbabakuna sa USA.