Inanunsyo ng Interior Ministry na paiigtingin ngayong weekend ang pagpapatupad ng Green Pass sa Italya.
Matapos ang indikasyon ng Ministry of Interior ay paiigtingin ngayong weekend ng Ferragosto ang mahigpit na pagsusuri sa Green Pass. Ang mga pangunahing lungsod ng Italya ay naghahanda at magdadagdag ng mga alagad ng pulisya sa pagkokontrol sa mga restaurants at bars partikular ang mga locale ng movida o nightlife.
Maraming awtoridad ang ipakakalat upang masigurado ang tamang pagpapatupad ng Green Pass.
Ipatupad ang regulasyon upang mabantayan ang seguridad ng lahat at maiwasan ang muling pagtaas ng mga kaso ng Covid na hahadlang sa pagbangon ng ekonomiya”.
Kaugnay nito, nag-anunsyo na sa Roma ng karagdagang isang libong mga alagad ng pulisya.
Ayon sa ilang source, sa unang bahaging ito ng pagpapatupad ng Green pass, ang mga awtoridad ay magbibigay din ng impormasyon at paglilinaw ukol sa pagko-kontrol ng nabanggit na dokumento. Magkakaroon ng random control sa mga mataong lugar at paboritong puntahan tuwing Ferragosto. (PGA)