Ang Italya ay nababahala sa patuloy na pagdami ng mga nahahawahan ng Covid19 sa Europa at buong mundo, kung kaya’t simula Sept. 22 ay ipinatutupad ang mga bagong regulasyon sa sinumang patuloy na nagbibiyahe sa Europa at buong mundo.
Pinirmahan kamakailan ni Italian health minister Roberto Speranza ang ordinansa na simula Sept. 22 hanggang October 7, 2020 ay obligado ang swab test o tampone sa lahat ng mga magmumula sa Paris o ibang lugar ng France, kung saan may mataas na bilang ng coronavirus.
Kaugnay nito, ipatutupad din ang mandatory swab test sa mga magmumula ng mga bansang Croatia, Greece, Malta, Spain at Bulgaria.
Sa mga manggagaling sa mga bansang nabanggit ay kakailanganin ang autocertificazione at magsusumite ng deklarasyon na nag swab test ng huling 72 oras bago ang pagpasok sa Italya at ito ay may resulta na negatibo.
Bilang alternatibo ay maaaring mag-swab test pagdating sa airport sa Italya o sa loob ng 48 oras mula pagpasok sa Italya, sa ASL kung saan residente sa Italya.
Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok at stop over sa Italya ng sinumang sa huling 2 linggo ay nagpunta sa mga bansang itinuturing na ‘mapanganib’.
Nananatiling may travel ban sa Italya ang 16 na bansa:
- Armenia
- Bahrain
- Bangladesh
- Bosnia Herzegovina
- Brazil
- Chile
- Colombia
- Kosovo
- Kuwait
- North Macedonia
- Moldova
- Montenegro
- Oman
- Panama
- Peru
- Dominican Republic
Gayunpaman, ang magmumula sa Italya patungo sa mga bansnag nabanggit ay may pahintulot sa pagkakaroon ng mga sumusunod na dahilan lamang:
- Trabaho;
- Kalusugan;
- Pag-aaral;
- Emergency
- Pagbalik sa tirahan o residensya.
Sa pagbabalik sa Italya ay kakailanganin ang ‘autocertificazione’ at ang 14day isolation.
Samantala, obligado ang 14day isolation at health surveillance sa sinumang papasok (o babalik) sa Italya, sa kahit na anong dahilan at mananatili sa bansa ng higit sa 120 oras, ang mula sa mga bansang:
- Romania
- Australia
- Canada
- Georgia
- Japan
- New Zeland
- Rwanda
- Republic of Korea
- Thailand
- Tunisia
- Uruguay
Tandaang kailangan pa rin ang autodichiarazione sa pagpasok sa Italya at ang paggamit ng private car sa pagpunta sa final destination sa Italya. (PGA)