in

Pagpunta sa ibang Rehiyon, may pahintulot na ba makalipas ang Feb. 15?

Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon Ako Ay Pilipino
May pahintulot na ba ang pagpunta sa ibang rehiyon?

Sa February 15 ay magtatapos ang dekreto na nagbabawal ng pagpunta sa ibang Rehiyon. Nangangahulugan ba na may pahintulot na makalipas ang petsang ito? Hindi madali ang kasagutan.

Ayaw ng pumirma ni outgoing Premier Giuseppe Conte ng bagong dekreto na magpapatuloy sa pagbabawal. Si Health Minister Roberto Speranza ay nais ang pagpapalawig ng 7 araw ng pagbabawal habang naghihintay ng opisyal na pag-upo sa posisyon ni incoming Premier Mario Draghi. 

Gayunpaman, inaasahan na isa sa mga unang aksyon ng Gobyerno Draghi ay ang magdesisyon sa mga magiging kaganapan sa February 15. Ito na ang magdedesisyon kung papalawigin pa ang dekreto na nagbabawal ng pagpunta sa ibang rehiyon. Ito ang naging desisyon ng huling Konseho ng mga Ministro na pinamumunuan ni Giuseppe Conte. Samakatwid, lahat ay mananatiling naka-suspinde hanggang sa mabuo ang bagong gobyerno sa pamumuno ni Mario Draghi. 

Ngunit kung nanaisin ng mga gobernador ng mga Rehiyon ay maaaring magkaroon ng ordinansa na balido ng isang linggo. Ito ay mangangailangan ng awtorisasyon mula sa Quirinale. 

Kung walang kikilos hanggang bago sumapit ang petsa ng Feb 15, 2021, simula sa susunod na araw nito, Feb 16, 2021, ay may pahintulot ng magpunta sa lahat ng mga rehiyon ng zona gialla ng walang anumang limitasyon. 

Ayon kay Conte, ang pagbabawal ay kinailangang gawin upang bigyan ng limitasyon ang pagpunta sa ibang rehiyon sa panahon ng kapaskuhan. Para kay Conte, ang pagbabawal ay maaaring tapusin na, ngunit kung ang epidemic curve ay muling tumaas, ito ay nasa kamay na umano ng bagong gobyerno. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

italian citizenship Ako ay Pilipinoo

Italian Citizenship, ang gabay sa bagong website

Ako ay Pilipino

Pagsusuot ng dobleng face mask, hanggang 95% ng proteksyon