Mananatiling mandatory sa Italya ang pagsusuot ng mask hanggang June 15, 2022 sa ilang indoor places tulad ng public at long distance transportation, ospital at mga klinika, paaralan, cinema, theaters at mga indoor shows at sports events.
Ito ang inanunsyo ni health minister Roberto Speranza at sinabing sa lalong madaling panahon ay pipirmahan ang ordinansa na magpapalawig sa panahon ng gamit ng mask sa ilang indoor places.
Aniya inaprubahan sa Kamara ang susog ng komite upang palawigin pa ang gamit ng mask sa indoors. At ang ordinansa na pipirmahan niya ang magsisilibing tulay sa panahong kinakailangan sa pagsasabatas nito.
Samantala, ayon kay undersecretary Andrea Costa, sa lahat ng mga workplaces – publiko at pribado maliban sa mga ospital at klinika, ang pagsusuot ng mask ay inirerekomenda lamang. (PGA)