Ngayong araw ay nagkaroon ng paglilinaw sa desisyon ukol sa pagsusuot ng mask sa workplace, matapos ang naging pagpupulong ng gobyerno at mga social partner, at kinumpirma ang 2021 protocol para sa pribadong sektor.
Ang pagsusuot ng mask ay mandatory pa rin sa workplace, indoor at kahit outdoor, sa pribadong sektor”
Samantala, sa public sector ay balido ang circular ni Brunetta na inirerekomenda lamang ang pagsusuot ng mask sa workplace.
Samakatwid, sa mga pribadong kumpanya, kung may kasamang ibang tao, ay kailangang ipagpatuloy ang paggamit ng mask. Hanggang kailan? Hanggang sa June 30, 2022 kung kailan muling magsusuri sa sitwasyon at magdedesisyon kung palalawigin pa o hindi na ang kasalukuyang regulasyon.
Matatandaang noong April 28 ay inaprubahan sa Kamara at sa pamamagitan ng isang ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza, ang rekomendasyon sa paggamit ng mask sa lahat ng mga indoor o outdoor public places, isang rekomendasyon na nabigyang interpretasyon na kasama ang mga work place.
Ngunit ngayong araw, ang gobyerno, CGIL, CISL, UIL, UGL, Confindustria at mga asosasyon ng mga employers ay nagkaroon ng videoconference ay nagdesisyon na palawigin pa ang paggamit ng protective measures, kasama ang pagsusuot ng mask, sa mga trabahong nasasaad sa Protocol ng 2021.
Basahin din:
Protective mask, saan nananatiling mandatory sa Italya?