in

Pagtaas ng 0,5% ng populasyon, dahil sa migrasyon

altRome – Tumaas ang populasyon ng Italya ng bilang na 286,114, at ito ay dahil sa mga imigranteng residente sa bansa. Ayon ito sa ulat ng ISTAT sa National demographic  report sa taong 2010 sa pagsusuri ng populasyon, ng mga residente, ng birth-rate at ng moratlity, ng migrasyon, ng pamilya at ng pamumuhay.

Sa katapusan ng nakaraang taon, ang mga residente ay umabot sa 60,626,442, kung saan 29,413,274 ay mga kalalakihan at 31,213,168 naman ang mgakababaihan, isang pagtaas ng 286,114 units, katumbas ng 0.5% na pagtaas at “dahil lamang ito sa migration mula ibang bansa”, ayon pa sa Istat. Sa katunayan, ang pagtaas ng populasyon ay mayroong  negatibong resulta dahil na rin sa mga natural na kadahilanan, ang pagbabà ng 25,544 at sa pamamagitan ng isang positibong resulta ng migration na kumakatawan sa isang pagtaas ng 380,085 na bilang.

Ang bilang ng mga dayuhan sa Italya ay katumbas ng  7.5% sa taong 2010 kumpara sa 7.0% sa taong 2009. Mas  mataas ang national average sa Northeast ng 10.3% sa Northwest ng 9.9% at  sentro ng 9.6% sa habang makabuluhang bumaba sa South ng 3,1% at sa mga isola ng 2.7%.

Sa taong 2010, ang mga batang ipinanganak ay  umabot sa 561,944, mas mababa ng 6913 kaysa sa nakaraang taon,  587,488 ang mga pumanaw na mas mababa ng 4175 kumpara noong 2009. Dito makikita ang negatibong balanse na umabot sa 25,544. Ito ang pinakamataas na balanseng negatibo sa huling dekada  – ayon pa sa Istat – makalipas noong 2003, sa dami ng mga pumanaw dahil sa napaka-tinding init. Kabilang dito ang pitong rehiyon ng Italya: Campania, Puglia, Lazio, Trentino-Alto Adige, Veneto, Lombardy at Sicily.

Makabuluhang ang pagdami ng mga banyagang ipinanganak sa Italya, kasabay ng paglaki sa populasyon ng mga dayuhan na naninirahan sa ating bansa: sa pagitan ng taong 2000 at 2010, sa katunayan, ang bilang ay ay halos na- triple, mula sa 4.8%  hanggang  13.9%, pagtaas na halos mula 30,000 sa halos 80,000.

Bumabà naman mula 1.33 sa 1.29 sa loob lamang ng isang taon, ang pagbubuntis  ng mga kababaihan Italyano. “Hindi maaaring alisin- ayon sa Istat – na ang kasalukuyang krisis sa ekonomiya ay may negatibong epekto sa pagpapamilya,  na maaaring dahilan din ng pagkaunti ng mga ikinakasal.  Ang birth-rate sa Italya ay iniulat na 9.3 sa bawat isang libo, pinaka mababa sa loob ng sampung taon. At 9.7 sa bawat isang libo naman ang mortality.

Istat. Anno 2010. BILANCIO DEMOGRAFICO NAZIONALE.Popolazione residente, natalità, mortalità, migrazioni, famiglie e convivenze

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Santa Cruzan Festival sa ika-20 taong anibersaryo ng Sentro Pilipino

BATIKOS